Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles.
Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang problema ng mga bentahan ng prangkisa sa LTFRB kaya minabuti ng Ahensya na ipagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng prangkisa.
Isang halimbawa ng sumbong ay tungkol sa isang kapitalista na bumibili ng prangkisa ng mga tricycles. Ang target ay mga operators na gipit o salat sa pera. Bibilhin ng mura at pagkatapos ay ibebenta ng higit sa P200 libung piso! Ang masama pa ay yung bumili habang di pa lubos na naaayos ang bentahan ay ipapasada na nang hindi nagbabayad ng “ dues” sa TODA.
Ang prangkisa para mag-operate ng public utility vehicle ay isang pribilehiyo na binibigay ng Estado, o ng LGU kung tricycle, ayon sa Local Government Code. Hindi pwedeng binebenta lang ang prangkisa na parang litsong manok o milk tea. May mga tao din na binebenta ng higit sa isa ang unit.
Marahil kailangan mapag-aralan kung kailangan nang tularan ng mga LGU ang Memorandum Circular ng LTFRB na ipinagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng public utility vehicle. Dapat kung ayaw na ng operator na bumyahe ay dapat at tama lang na ibalik ang prangkisa sa LGU o sa gobyerno.
Samantala tututukan ng LCSP ang mga reklamong nakakarating sa amin upang matigil na ang mg gawaing ganito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Ravena, San-En taob uli
Ito ang sinapit ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang mapulbos ng 32-puntos ng Akita Northern Happinets ang San-En NeoPoenix, 85-53, sa 5th Japan B. League 2020-21 elims nitong Linggo. Bumida para sa Akita si Noboru Hasegawa na may 16 points mula sa pinamalas na 4-of-6 shooting buhat sa 3-point shot upang pabagsakin ng dalawang beses […]
-
Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec
PUMALO na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban. Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon. Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police […]
-
Bayang karerista nabanas
MASAGWA ang pag-umpisa ng karera ng mga kabayo nitong Setyembre 6 sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas. Naging problema ang tayaan, atrasado pagtakbo ng unang karera na sa halip alas-12:00 nang tanghali pasado ala-1:00 nang hapon na bago napasibat ang mga pangarera. “Masyado kasing minadali, inumpisahan nila ang karera pero […]