SALPUKANG PACQUIAO vs MCGREGOR, ‘TULOY’ NA
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
LALONG uminit ang balitang pagsasagupa nina eight-division champion at current WBA welterweight king Manny Pacquiao at MMA fighter Conor McGregor.
Ito’y matapos ihayag ang paglagda ng kontrata ni Pacquiao sa Paradigm Sports Managament, para kumatawan sa Filipino champion sa nalalabing taon ng kanyang karera.
“I am proud to partner with Paradigm Sports Management and am excited for the opportunities that Audie Attar and PSM have to offer,” pahayag ni Pacquiao. “One thing I want everyone to remember is to always think positively. Never think negatively; that is the beginning of your downfall. Everything is possible.”
Agad ding nagpaabot ng kanyang pagbati si McGregor matapos ang naturang pirmahan sa kanyang promotional firm si Pacquiao.
Nagpahayag din ng excitement si Paradigm President at CEO Audie Attar sa pakikipag-partner kay Pacquiao.
“I’m honored to have the opportunity not only to maximize Manny’s boxing career but to help him continue to leave a legacy he is proud of through the lens of business and sport. My approach is to focus on each client and their goals always, and I look forward to fighting on his behalf,” wika nito.
Ang management company ni Attar ang responsable sa ginanap na pinakamalaking laban sa combat sports, ang sagupaan sa pagitan nina McGregor at undefeated boxing champion Floyd Mayweather.
Bukod dito, ang PSM na siya ring humahawak sa ilang kila-lang atleta sa mundo gaya ng American Football pla-yers at mixed martial artists.
Maliban kay McGregor, hawak din nito sina world champion Cristiane Justino at UFC king Israel Adesanya.
“Welcome to the team Emmanuel,” ito naman ang tweet ni McGregor matapos ang pagpirma ni Pacquiao sa Paradigm Sports Management.
Nilinaw naman ni Brando Viernesto, ang legal ad-viser ni Pacquiao, na ba-hagi pa rin ang Pinoy figh-ter ng Premier Boxing Champions (PBC) ngunit wa-la na itong natitirang la-ban sa ilalim ng PBC.
Sa Hunyo o Hulyo ang target na pagbabalik-ak-syon ni Pacquiao at wala pang linaw kung sino ang la-labanan niya.
Matapos ang 40-second win ni McGregor noong Enero kay Donald ‘Cowboy’ Cerrone sa kanyang pagbabalik sa octagon, kasama sa kanyang mga nabanggit na susunod na makalaban ang pangalan ng Philippine Fighting Senator.
At ngayong magkasama na sila sa iisang kompanya, mas tumaas ang posibilidad na magkasagupa silang dalawa.
Samantala sakali naman daw na hindi matuloy ang paghaharap nina Pacquiao at McGregor posibleng malaban niya ngayong taong 2020 sinuman kina Mikey Garcia, Danny Garcia o kaya si Errol Spence Jr. (REC)
-
$235 milyong investments nasungkit ni PBBM sa state visit sa Malaysia
TINATAYANG nasa $235 milyon halaga ng investment commitments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong araw na state visit sa Malaysia. Ang nasabing investments ay resulta ng pakikipag-usap ni Marcos sa mga negosyante sa Malaysia. “The investment commitments that we have received as far are valued at around $235 […]
-
Pope Francis nagpaabot ng pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyong Agaton
NAGPAHAYAG ng pagkakaisa at pagkaawa si Pope Francis sa mga biktima ng bagyong Agaton sa bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa kanyang sulat na ipinaabot ni Cardinal Pietro Parolin ang Secretary of State, kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, nakasaad doon ang pakikidalamhati ng Santo Papa sa mga biktima ng […]
-
Top seed USA ginulat ng Uzbekistan, team PH inilampaso ang Monaco sa Day 4 ng World Chess Olympiad
GINULAT ang national team ng Estados Unidos ng bansang Uzbekistan matapos ang Day 4 sa nagpapatuloy na 44th FIDE Chess Olympiad sa Mahabalipuram sa bansang India. Ito ay makaraang magawang maitabla ng Uzbekistan ang kanilang harapan sa score na tig-dalawang panalo. Tanging ang Filipino-American at supergrandmaster na si Wesley So ang […]