Samahan ni Bert “Tawa” Marcelo at San Miguel, nanatiling matibay
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na inabutan ng yumaong si Bert “Tawa” Marcelo ang pagbabago ng kumpanyang gumagawa ng paborito nyang beer.
Ngunit ayon sa anak niyang si Gerard ay matutuwa ito kapag nalamang nakaalala ang San Miguel sa kanyang ama at magtatayo na nga ng paliparan sa Bulacan.
“He would have loved to meet Mr. Ramon Ang, the San Miguel vi- sionary who led the diversification. He would have given him butong pakwan ni Mentong or a box of chicharon from Bulacan, his usual pasalubong to friends,” wika ng 47 taong glang na si Gerard na isa sa apat ng anak ng komedyante na hindi na pumasok sa showbusiness at may kanya-kanya nang larangan o karera na pinagkakaabalahan.
Ayon kay Gerard ay malapit ang kanyang ama sa yumaong SMC chairman na si Eduardo Cojuangco Jr., “I remember, when Boss Danding wants to have a good laugh, he will call my father and tell him to deliver Boss Danding’s favorite joke.”
Maliban sa mga boss ay malapit rin si Bert sa lahat ng empleyado ng San Miguel at proud siyang naging brand ambassador nito mula 1971 hanggang sa kanyang pagkamatay noong 1995. Idinaos ng San Miguel Corporation at sangay nitong San Miguel Brewery, Inc. ang kanilang anibesaryo noong Sept. 29 at Oct. 1, ayon sa pagkakasunod.
“My father was close to San Miguel people from its truck drivers up to the Chairman. He can relate to them. He talks to everyone since he is easy-going and has a friendly nature. His jokes were snappy and non- lethal,” kuwento ni Gerard.
“He lived that value of friendship over money. He would do San Miguel shows for a minimal fee like the Balikbanda shows and appear in their Baguio summer shows yearly in the 80s. He did shows for San Miguel executives and friends for free. He also lived the SMB value of “Iba ang may pinagsamahan,” another San Miguel Beer tagline,” dagdag niya.
Kapansin-pansin na nung lockdown ay maraming Pilipino ang nanood muli ng mga lumang TV commercial ni Bert Marcelo sa San Miguel sa Youtube at nagshare nito sa Facebook.
Isa sa mga paborito ay may tema na naniningil si Bert kay Bruno na isang karate expert na kasalukuyang may ka-sparring na pinatumba nito. Sa gulat ni Bert ay inaya na lang niya si Bruno at sinabing “Mag beer muna tayo” na may puntong Bulakenyo.
May mga pagbabago na nga sa San Miguel nitong mga nakaraang taon dahil mas marami na itong negosyo na pinasok.
“But my father would be happy that Ramon Ang is investing heavily in the country to help our kababayans by providing employment and im- proving our country’s infrastructure. His big investments are helping the country’s economy,” sagot ni Gerard.
At matibay pa rin ang samahan ng kanyang ama at ng San Miguel ay pihadong matutuwa ito sa pagtatayo ng airport sa Bulacan. Ang kanyang ama ay tubong Baliuag.
“Yes, definitely he will happy and proud with the development. My father was a proud Bulakenyo. As Jose Guevarra also said, ‘He was one of the two men that the province of Bulacan can be truly proud of. He placed Bulacan on the map. The other one is Blas Ople, the serious one,” ani Gerard.
Ang naturang airport ay kayang tumanggap ng hanggang 100 milyong pasahero kada taon at nakikitang gagawa ng 30 milyon na trabaho sa turismo maliban sa mahigit isang milyong hanapbuhay para sa mga residente ng Bulacan at karatig probinsya.
Makakatulong rin ito sa mga Overseas Filipino Workers na nawalan nga trabaho at napilitang bumalik sa bansa.
“Central Luzon has the most number of OFWs too outside of NCR. With this development, his kababayan will benefit with the air- port in the province. This will put Bulacan on the world map now with foreign tourists arriving in a world- class airport built by San Miguel Corporation in his hometown,” paliwanag ni Gerard.
Dagdag pa niya: “Because of the Covid19 pandemic, our economy is hit for the next two years. We hope this airport will provide employ- ment to Bulakenyos and also help in the recovery of tourism nationwide which was severely affected by the pandemic.”
Dahil sa pagtatayo ng paliparang ito sa Bulacan ay nanatiling matibay ang samahan ni Bert “Tawa” Marcelo at ng paborito niyang beer. (Rohn Romulo)
-
GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan
WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus. Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot […]
-
DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop
IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop. Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng Senate Blue Ribbon […]
-
$235 milyong investments nasungkit ni PBBM sa state visit sa Malaysia
TINATAYANG nasa $235 milyon halaga ng investment commitments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong araw na state visit sa Malaysia. Ang nasabing investments ay resulta ng pakikipag-usap ni Marcos sa mga negosyante sa Malaysia. “The investment commitments that we have received as far are valued at around $235 […]