Sana ako si Santa Klaus (2)
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
NASABI na po kahapon ng Opensa Depensa ang Christmas wishes para sa ilang sports officials at athletes natin sa unang labas ng serye ng pitak na ito dahil nga Pasko 2020 na sa Biyernes, Disyembre 25.
Kabilang sa una ko pong mga natalakay na gusto kong ipagkaloob sa kanila kung ako sana si Santa Klaus dahil Pasko naman ay sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president AbarahamTolentino;
Pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.
Gayundin sa mga national sports association (NSA) na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) pres. Philip Ella Juico, Gymnastics Association of the Philippines (GAP) pres. Cynthia Carrion-Norton, at Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) prexy Victorico Vargas.
Para po sa ikalawang batch:
Weightlifting Hidilyn Diaz – Hindi lang mag-qualify kundi magkamit ng gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2020 sanhi ng pandemya, sa pang-apat at huli na niyang quadrennial sportsfest makaraang mag-silver sa 2016 Riode de Janeiro Olympics.
Mary Joy Tabal – Makapasa sa Olympic Qualifying women’s marathon para sa ikalawa niyang pagkatawan sa bansa sa 2020 Tokyo Games at suntok man sa buwan, nawa’y makamedalya para sa maaring graceful exit na sa national team ng pinakamagaling na lady marathoner natin sa kasaysayan ng event sa may 50 taon.
Christine Hallasgo – Mag-qualify sa Tokyo Olympics tapos palitan si Mary Joy Tabal bilang No. 1 lady marathoner ng ‘Pinas noong 2019.
National MILO Marathon – Makabalik sa 2021 para sa ika-44 na edisyon makaraang makansela ang 43rd edition sa taong ito sanhi ng Covid-19 ,at makatuklas ng tigasing lalaki na magbabalik sa bansa sa trono ng men’s division sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam.
Karateka Jamie Christine Lim – Makapasa rin sa Olympic Qualifying Tournament upang makapasok sa 2020 Japan Olympics. (REC)
-
COVID-19 cases sa Pinas posibleng bumaba pa sa 2,000 daily– OCTA
Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre. Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa. Umaasa si Dr. David na kung […]
-
Pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng, pumalo nasa P3.16-B – Department of Agriculture
PUMALO na sa Php 3.16 billion ang katumbas na halaga ng napinsalang agrikultura nang dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Pilipinas. Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng Department of Agriculture, lumobo na sa 197,811 metric tons ang volume ng production lass ng bansa. Saklaw […]
-
Four years din na ‘di nakagawa ng movie: THERESE, pam-Best Actress na naman ang performance sa ‘Broken Blooms’
FOUR years din palang hindi gumawa ng pelikula ang award-winning actress na si Therese Malvar. Kaya noong inalok sa kanya ang Broken Blooms, tinanggap niya ito agad dahil na-miss daw niyang gumawa ng pelikula. Nataon naman na nakabilang ang Broken Blooms sa Oporto International Film Festival sa Portugal noong nakaraang April […]