Sanggol itinapon sa basurahan
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
Isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. Poblacion, Biñan City kamakalawa ng madaling araw.
Nadiskubre ng basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 ng umaga.
aAad itong sinagip ng mga opisyal ng barangay at ng mga kawani ng cwsd ng biñan city.
Nakita sa cctv ng barangay ang pag-iwan dito ng isang middle aged na babae na nakasuot ng puting long sleeve dakong alas-4:30 ng madaling araw.
Iniwan ng babae ang eco bag sa pagitan ng nakaparadang suv at tambakan na basura.
Pagkaraan, hinubad ng babae ang suot na long sleeve bago itinali sa beywang at saka naglakad papalayo.
Ayon sa mga barangay official ng poblacion, hindi taga -oon sa kanilang barangay ang babae at posibleng nagmula ito sa kalapit nilang barangay ng Dela Paz at San Jose. Nasa kustodiya na ng DSWD ang sanggol na nasa ligtas nang kalagayan.
-
DOTr: Walang nangtaas-pasahe ngayon 2022
TINIYAK noong Lunes ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na magtataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang matapos ang 2022. Ayon kay transport Secretary Jaime Bautista hulina ang inaprubahang taas-pasahe sa marmaming public utility vehicle (PUVs) noong Setyembre. “This coming holiday season, we make it sure that there will be no […]
-
Extra special ang kanilang first TV commercial: DOMINIC, umaming iba rin ang pakiramdam na makatrabaho si BEA
FIRST time lamang palang mag-work together onscreen ang real-life sweethearts na sina new Kapuso actress Bea Alonzo at Dominic Roque. Kaya na-excite si Bea nang kunin siyang endorser ng isang brand of coffee na bukod sa photo shoot ay may TVC shoot din, at sila ngang dalawa ang magkasama. Nag-post si […]
-
PCO, hinikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente
SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat na pag-ibayuhin ang maayos at matipid na paggamit ng kuryente sa harap ng napipintong pagsapit ng panahon ng tag-init. Sinabi ng PCO, hindi lamang sa mga kabahayan dapat sanang ugaliing gawin ang pagtitipid ng kuryente ngayong nararamdaman na ang tag-init kundi maging sa mga workplace. […]