SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa COVID-19.
“Pero ‘yung sanggol po na ‘yun na-admit sa ospital, actually ang reason na nai-refer samin ay mayroon po siyang abnormality sa puso and napakabilis ng pagtibok ng puso at nung plano naming gamutin yun at tinesting po yung baby eh may COVID kaya siya po ay nadala sa COVID ward” ayon pa sa tagapagsalita ng PGH.
Ayon pa kay del Rosario may iba pang mga batang pasyente sa PGH na may COVID noong nagsisinula ang pandemic ngunit mas kumplikado aniya ngayon dahil ang iba ay matindi ang kanilang COVID pneumonia na nakuha at iba pang kumplikasyon.
Mayroon din aniya silang pasyente na may sakit na tinatamaan din ng COVID-19.
Sa ngayon, hindi pa aniya natatanggap ng PGH ang genome sequencing results ng mga bata .
Nauna nang inihayag ng ospital na mayroon nang 21 Delta cases .
Plano naman ng PGH na magdagdag pa ng apat na kama para sa pedia coronovirus ward.
“Hindi naman po kami nananakot na laganap na ang COVID sa mga bata. Ang sinasabi lang po namin ay nagkaka-COVID po ang ating mga anak kaya kailangan nating mag-ingat,” he said.
“The hospital’s intensive care unit (ICU) for adults is full, while 153 out of 225 beds are available,” ayon pa kay del Rosario.
“Ang challenge lang po kung severe or critical ‘yun po ang medyo challenging dahil sa adult po puno ang ICU,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)
-
Pinas, tinuligsa ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor
TINULIGSA ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea. Sa katunayan, inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilos bilang “a provocation that undermines regional peace and stability.” Dahil dito, nanawagan ang DFA sa North Korea na “immediately cease” ang ganitong mga aktibidad at mangyaring sumunod sa […]
-
Cornejo, Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte
HINATULANG “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro. Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa […]
-
Comelec, susunod sa desisyon ng Korte
TATALIMA ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines. Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na hindi pa nila natanggap ang order mula sa Mataas na Hukuman na itigil ang anuman sa kanilang paghahanda para sa midterm polls sa […]