Sangley Airport, pinasinayanan ni Duterte
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
PINASINAYANAN ni President Rodrigo Duterte ang Sangley Airport development project na may layuning maibsan ang flight delays at air traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sa ngayon ay ongoing pa rin ang construction ng bagong commercial airport kung saan ito ay nakikitang magiging isang international hub.
“I vowed to ride my lastflight as President via Sangley to Davao. I am optimistic that the hub will be finished by the time I end my term ni 2022,” wika ni President Duterte.
Ayon sa report, ang mga team mula sa Macro Asia at China Communications Construction Corp., ay siyang sole bidder upang itayo ang $10 billion na Sangley Point International Airport.
Ang 1,500-hectare na master-planned international airport hub ay magkakaroon ng apat na runways, airside at landside facilities na makapagsasakay ng hanggang 130 million na pasahero kada taon.
Itatayo ang bagong terminal building na magbibigay serbisyo sa may 160 na pasahero na mayroong flight information display system, closed circuit television, x-ray, at baggage handling at weight conveyor. Ang runway ng airport ay mas pinaganda at mayroon na itong precision approach path indicator lights at air ground lighting system.
Isa ito sa mga Build, Build, Build project ng administration ni Duterte sa ilalim ng infrastructure program ng pamahalaan.
Sa taong ito, ang Department of Transportation (DOTr) ay nag-allot ng P500 million upang gumanda pa ang drainage system nito, ililipat sa Sangley airport ang NAIA’s General Aviation Area (Gen-Av) at ang hangars nito na sa ngayon ay nakalagay sa NAIA upang ma-decongest ito.
Sa ngayon, ang airport ay 100 percent operational na ginagamit para sa general aviation. Ang nasabing paglilipat ng general aviation ay binigyan ng suporta ng Philippine Airlines (PAL).
“Owners of Gen-Av aircraft have agreed that they will transfer to Sangley as soon as the hangar facilities exclusively for them are built,” sabi ni DOTr Secretary ArthurTugade.
Sa kanyang inaugural speech, binalaan ni Duterte ang mga business groups at individuals na may dealing sa pamahalaan na huwag mag-corrupt ng officials dahil mawawalan sila ng businesses.
Samantala, ang Cavite provincial government ang nag-award para sa initial phase ng project para sa construction ng Sangley Airport sa consortium ng China Communications Construction Co. Ltd at Macro Asia Corp.
Ang MacroAsia Corp., ay isang conglomerate sa ilalim ng kumpanya ni Lucio Tan.
Ayon sa MacroAsia, kanilang dadalahin ang kanilang comprehensive expertise at best practices sa pagtatayo at operasyon ng Sangley Airport. (LASACMAR)
-
PBBM, tiniyak sa AFP ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan, morale ng militar
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan at morale ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang pamilya. “And to all the members of the AFP, be assured this government has a continued assurance in improving the welfare and morale of our […]
-
Face to face classes, maaaring ilimita sa ilang oras lamang-Sec. Roque
MAAARING ilimita lamang sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes, Pebrero 22 kung […]
-
APEC, mahalaga para makaiwas sa labanan, i-promote ang kapayapaan sa rehiyon-PBBM
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) para makaiwas sa labanan at i-promote ang kapayapaan sa rehiyon. “I wish to emphasize once more that global and regional economic governance platforms such as APEC are geared towards averting conflict because sustained prosperity and progress are only possible […]