• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sanhi ng gas explosion sa construction site sa Taguig iniimbestigahan pa – BFP

Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.

 

Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.

 

 

Kinumpirma rin ng BFP-NCR na isang 35-anyos na lalaki ang nagtamo ng 3rd degree burns sa nangyaring pagsabog.

 

 

Alas-7:30 kagabi ng ilagay sa first alam ang nangyaring sunog at bandang alas-9:35 ng gabi ng ideklarang fire out ng Bureau of Fire Protection.

 

 

Ayon kay Fire Supt. Bernard Rosete, posible ang naging sanhi ng sunog ay ang damaged gas pipe sa construction site.

 

 

Sinabi ni Rosete na may nagdi-drill umano at may tinamaan na pipeline, naiwan ang drilling machine at dito na nagliyab.

 

 

Dagdag pa ni Rosete patuloy pa nilang inaalam ang totoong sanhi ng sunog at pagsabog.

 

 

Paalala naman ni Rosete sa mga developers na magkaroon ng mga fire extinguishers sa mga construction sites para maiwasan na magkaroon ng kahalintulad na insidente.

 

 

Dagdag pa ng opisyal dapat alam din ng mga workers kung ano ang naroroon sa construction site at dapat nakikita ang mga plano lalo na kung saan naka linya ang mga pipe ng LPG.

 

 

Tinatayang aabot sa mahigit P200,000 ang danyos sa nasabing sunog.

 

 

Ang nasabing lugar ay malayo sa residential buildings dahilan para hindi na kailangang i-evacuate ang mga residente.

 

 

Ayon sa report ng BFP, ang pasyente na nagtamo ng 3rd degree burns sa kaniyang mukha, upper at lower extremities ay nakilalang si Melchor Dela Cruz.

 

 

Ayon naman sa isang residente na nakatira sa kalapit na condominium nakarinig sila ng napakalakas na pagsabog at ng kanilang tignan sa bintana isang napakalaking sunog ang tumambad sa kanila mula sa construction site.

 

 

Kasalukuyang suspendido ang trabaho sa construction site habang ongoing ang investigation.

Other News
  • Woman of unshakable integrity’: PBBM, nagbigay pugay kay dating Senador Rasul

    NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating senadora Santanina Rasul na pumanaw noong Nov. 28, sabay sabing ang pagpanaw ng senadora ay “a loss deeply felt not only by (her) family but by the entire Filipino nation.”     Sa condolence message ng Pangulo sa pamilya Rasul, sinabi ng Pangulo na ang naging […]

  • Hindi nagustuhan ang ginawa ni VP Sara… AFP officers ‘di pabor sa paggamit sa kanila sa P15 million DepEd confidential funds

    HINDI nagustuhan ng mga opisyal ng sundalo ang ginawa ni Vice Pres. Sara Duterte na ginamit ang inilabas nilang sertipikasyon sa pag-liquidate ng P15 milyong halaga ng confidential funds ng DepEd dahil hindi naman ito sa kanila napunta.     Kung alam lamang umano nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., […]

  • Hundreds of Bulakenyos get jobs, livelihood packages on Labor Day Job Fair

    CITY OF MALOLOS – In celebration of Labor Day, 79 Bulakenyo jobseekers were hired on the spot and 31 individuals received livelihood packages during the 2023 Labor Day Job Fair for Local and Overseas Employment spearheaded by the Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office in partnership with the Department of Labor and Employment […]