• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sanib-puwersa kasama si Vilma sa ‘Uninvited’

SI Vilma Santos sana ang makakasama ni Judy Ann Santos sa entry ng Quantum Films sa 50th Metro Manila Film Festival.

 

Nag-back out lang ang Star for All Seasons, at pinalitan siya ni Lorna Tolentino.

 

Ang pelikulang ‘Espantaho’ na first time sanang magsama sa movie ang dalawang tinitingalang Santos, directed by Direk Chito Roño, na isa sa paborito ng director ni Ate Vi.

 

Sa nakaraang MMFF 2023 ay si Direk Chito ang chair ng 11-person jury para sa awards, at si Lorna ang vice chair.

 

Mas piniling gawin ni Ate Vi ang ‘Uninvited’ na idinirek ni Dan Villegas na pasok din sa MMFF. Kaya nagbunyi ang Vilmanians kasabay ang pangakong susuporta nang husto sa pelikula.

 

Star-studded ang ‘Uninvited’, na iprinodyus ng Mentorque Productions (producer ng MMFF 2023 entry na ‘Mallari’, starring Piolo Pascual).

 

Kasama sa naturang movie sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez, and Ron Angeles.

 

Ngayon pa lang ay hinuhulaan na isa sa mangunguna sa takilya ang ‘Uninvited’.

 

Si Ate Vi ang Best Actress ng MMFF 2023 para sa ‘When I Met You In Tokyo’ na kung saan pinagwagian din ng Star for All Seasons mula naman sa iba’t ibang award giving bodies.

 

Malakas pa rin ang laban ni Ate Vi para sa Best Actress sa 50th MMFF.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC

    IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.     Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]

  • ‘Quezon City gov’t sinimulan na ang pagbabakuna sa mga buntis’

    Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagbabakuna sa mga QCitizens nito na mga buntis buntis sa ilang vaccination sites sa lungsod.     Ang mga nanay na nasa second at third trimester lamang ang maaaring mabakunahan. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bago bakunahan ang mga buntis, sasailaim muna sila sa […]

  • PBBM, nilagdaan ang IRR ng Agrarian Emancipation Act

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes ang  implementing rules and regulations (IRR)  ng Agrarian Emancipation Act.     Layon nito na tanggalin  ang pasanin sa pagkakautang ng mga agrarian reform beneficiaries na nagkakahalaga ng P57.57-B.     Malinaw na mabubura na ang lahat ng mga hindi nabayaran na amortization ng principal loan […]