Sara Duterte-Carpio, ‘klaro’ na ‘di tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban — Cusi
- Published on October 23, 2021
- by @peoplesbalita
Malinaw sa mga naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pinuno rin ng partido.
Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido sa presidential elections sa susunod na taon.
Running-mate ni dela Rosa si Sen. Christopher “Bong” Go.
Sa panayam ng Headstart ng ANC, sinabi ni Cusi na hindi nila naikonsidera ang pagpalit ni Sara kay Dela Rosa dahil malinaw naman ito sa mga naunang pahayag ng alkalde na hindi ito kakandidato sa ilalim ng PDP.
Pinapayagan ang substitution ng mga kandidato kung ang orihinal na naghain ng kandidatura at ang ipapalit ay magka-partido.
Sinabi rin ni Cusi na pinatakbo nila si Dela Rosa dahil hindi natuloy ang orihinal nilang plano.
Matatandaan na si Duterte sana ang tatakbo bilang bise presidente ng bansa pero umatras ito at sa halip ay pinatakbo si Go na sinamahan pa niya sa paghahain ng kandidatura.
Napagkasunduan aniya na si Dela Rosa ang patakbuhin bilang pangulo dahil may adbokasiya rin naman ito.
-
PDu30, nangako ng pabahay, pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga Odette-hit areas
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa na magbibigay ng housing assistance at tiyakin na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette. Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay kasiguraduhan ang Pangulo sa ginawa nitong pagbisita sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol, […]
-
OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine
Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19. Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR. […]
-
PCOO, nakiisa sa Filipino-Chinese community sa bansa na nagdiwang ng Chinese New Year
NAGPAABOT ng pagbati ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nakiisa sa pagdiriwang ngayon ng Filipino-Chinese community ng kanilang Chinese New year. “Happy Lunar New Year, Xīnnián kuàilè to everyone!,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar. Ani Andanar ang taong 2020 ay naging isang mapaghamong taon sa maraming paraan para sa lahat at […]