• April 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sara Duterte, nanumpa na bilang ika-15 na bise-presidente ng Pilipinas

NANUMPA  na  si Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas sa  pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

 

 

Nagbigay  ng maikling talumpati si  VP Sara at nanindigan sa kaniyang pagmamahal sa bayan.

 

 

“Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — ngunit walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Filipino,” ayon kay VP Sara.

 

 

Binigyang diin nito na ibibigay niya ang kanyang sarili para sa pagsisilbi sa Pilipinas.

 

 

“The voice of 32.2 million Filipinos was loud and clear — with the message to serve our motherland. And this message has been reiterated in my oath: to consecrate myself to the service of the nation.” sabay sabing “Magkasama sana tayong bumangon bawat araw kasabay ang nag-aalab na pangako sa ating mga puso na mahal natin at patuloy nating mamahalin ang Pilipinas hangga’t tayo ay nabubuhay.”

 

 

Sa kabuuan ay naging mapayapa ang pagtitipon.

 

 

Samantala, kasama ni VP Sara sa entablado ang kaniyang mga magulang  na sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at inang si Elizabeth Zimmerman habang dumalo sa panunumpa ni VP Sara ang ilang mga kilalang opisyal ng gobyerno na sina President-elect Bongbong Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Congressman Martin Romualdez, ilang mga senador, kongresista at miyembro ng gabinete. Kabilang naman sa mga nagtanghal sina Andrew E., Robert Sena at Isay Alvarez. (Daris Jose)

Other News
  • Price Act, dapat nang amyendahan

    NAIS  ng isang mambabatas na amyendahan ang 31-taon ng batas na Price Act upang maitaas ang parusa at multa laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mangangalakal ng bigas at mais.     Sa House bill 7970, nais ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na maitaas sa 40 taong pagkabilanggo ang parusa sa naturang […]

  • Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel

    KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19.   Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute.   Tinatayang nasa, […]

  • Selebrasyon sa ika-70 taon sa pag-upo ni Queen Elizabeth magiging pribado lamang

    HINDI magkakaroon ng magarbong pagdiriwang ang Buckingham Palace sa ika-70 taon ng pagkakatalaga kay Queen Elizabeth II.     Ang 95-anyos kasi na si Elizabeth ay naging reyna ng Britanya at ilang mga bansa gaya ng Canada, Australia at New Zealand matapos ang pagpanaw ng amang si King George VI noong Pebrero 6, 1952.   […]