Sara-Gibo tandem sa 2022 lumutang
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
Lumutang ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa May 2022 national elections matapos lumipad kahapon patungong Davao City ang huli at makipagkita sa presidential daughter.
Ito’y sa gitna na rin ng ugong ng balak na pagtakbo umano ni Sara sa presidential race.
Si Teodoro ay sinamahan ni dating 1st District Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na nagpost pa ng mga larawan sa social media.
“On my way with my vice president to meet my president. Done deal folks,” saad ni Andaya sa caption ng dalawang litrato na nagpapakitang kasama nito si Teodoro sa eroplano. Sa isa pang larawan ay kasama na nila si Inday Sara.
Sinabi ni Andaya na pinag-usapan nina Teodoro at Inday Sara kung paano masosolusyunan ang pandemyang dulot ng COVID-19 at kung paanong makakaahon ang ekonomiya ng bansa.
“‘Yung done deal na sinasabi ko, sa isip ko ‘yun. Dahil itong tandem na ito, napanaginipan ko lang ‘yun na mangyayari ito at nangyari na nga,” ani Andaya.
Aminado naman si 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na maraming mga bigatin sa pulitika ang bumibisita sa presidential daughter sa Davao City.
“All roads lead to Davao for 2022 May national elections,” ani Salceda.
Kabilang sa mga bumisita kay Inday Sara sa pagdaraos nito ng kaniyang ika-43 taong kaarawan noong Lunes ay sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at House Speaker Lord Allan Velasco. (Daris Jose)
-
Puring-puri naman siya ng veteran actor: DINGDONG, sobrang saya na muling makatrabaho si TIRSO
IKINATUWA ni Dingdong Dantes makatrabaho ulit sa isang malaking teleserye ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III. Unang nagkasama sina Dong at Kuya Pip sa 2002 teleserye na ‘Sana ay Ikaw Na Nga’. Nagkasama sila ulit sa teleserye na ‘Endless Love’ noong 2010 at sa ‘I Heart U Pare’ in 2011. […]
-
Ipalalabas pa lang ang ‘Rewind’, humihirit na ng next project: MARIAN, hindi magagampanan ang role kung hindi si DINGDONG ang kapareha
IPALALABAS pa lamang sa December 25 bilang isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival ang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, humihirit na agad si Marian ng kasunod under Star Cinema. Obviously, nag-enjoy ito na makagawa ng movie sa Star Cinema, plus co-produced din ng AgostoDos […]
-
Siklab Awards lalarga sa December 5
Gagawaran ng parangal ang mga bagitong atleta na nagpasiklab sa nakalipas na taon sa gaganaping Nickel Asia Corporation Siklab Youth Sports Awards 2024 sa Disyembre 5 sa Market! Market! Activity Center, Ayala Malls BGC sa Taguig City. May 79 youth at junior athletes mula sa 36 sports ang kikilalanin sa ikaapat na […]