• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sara nag-alok ng tulong sa kandidatura ni BBM

Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakipagkita siya kay dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa Cebu para pag-usapan kung paano makakatulong sa kanyang presidential bid sa susunod na taon ang kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

 

 

Kasabay nito, muling iginiit ni Sara na hindi siya tatakbong pangulo sa 2022 presidential race.

 

 

Sa halip ay muli siyang sasabak sa pagka Alkalde ng Davao City sa kabila ng mga panawagan na hu­malili siya sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinagot din ni Sara ang mga tanong kung posible ba silang mag-tandem ni Marcos sa susunod na taon at sinabing walang pag-uusap tungkol dito.

 

 

Matatandaan na noong Sabado ay ibinahagi sa social media ng Alkalde ang mga larawan tungkol sa pagpupulong nila ni Marcos at kapatid nito na si Sen. Imee Marcos sa Cebu City.

 

 

Subalit nilinaw na dumalo lamang siya sa birthday celebration ng asawa ni House Majority Leader Martin Romualdez na pinsan naman ng mga Marcos at sa iba pang engagements sa lalawigan. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘Wala pa ring malinaw na plano ang pamahalaan vs COVID-19; puro lang quarantine’ – HPAAC

    Dismayado ang grupo ng medical experts matapos muling luwagan ng pamahalaan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.     “HPAAC is alarmed that critical bottlenecks to long-term solutions have not been addressed, and necessary changes to systems and processes have […]

  • Galvez, tatalakayin sa FDA at DOH ang pagpapaiksi sa interval period para sa COVID-19 booster shots

    SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tinitingnan ng pamahalaan na paikliin ang interval period ng pagkuha ng booster shots matapos ang primary dose series sa pagitan ng apat hanggang anim na buwan.   Sa naging pagbisita ng National Task Force Against COVID-19 sa Bacoor, sinabi ni Galvez na pag-aaralan nila ang panukala at […]

  • Nakagugulat ang naging rebelasyon: GLADYS, makikiusap kay JUDY ANN para matuloy ang ideya na magsama sa isang concert

    NAKAGUGULAT ang rebelasyon ni GLADYS REYES na isang concert ang ideya niya na maging reunion project nila ni Judy Ann Santos. “Sa totoo lang, naisip ko na yan,” umpisang sinabi ni Gladys. “Kasi inspired by yung ginawa nina ate Sharon at kuya Gabby.” Kailan lamang ay idinaos ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby […]