Sara nanguna sa presidential, Duterte sa VP – survey
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Si Davao City Mayor Sara Duterte ang napipisil ng mayorya ng mga Pinoy na maging susunod sa pangulo ng bansa sa nalalapit na May 2022 elections habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman sa pagka-bise presidente.
Base sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas kahapon, 28% ng mga Pinoy adults ang boboto kay Mayor Duterte sa nalalapit na presidential election.
Pumangalawa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nakakuha ng 14%, kasunod si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 13% at Sen. Grace Poe na may 10%.
Sumunod sa kanila sina Sen. Manny Pacquiao (8%), Vice Pres. Leni Robredo (6%); Sen. Panfilo Lacson (4%); Sen. Bong Go (3%); habang 2% sina dating vice president Jejomar Binay, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at dating senador Antonio Trillanes IV.
Nadomina ni Sara ang Mindanao, kung saan 62% ang susuportahan ang kanyang posibleng presidential bid.
Sa Metro Manila, neck-to-neck sina Moreno at Marcos na 23% at 22%, habang si Sara ay 16%.
Sa vice presidential post, nanguna si Pang. Duterte na nakakuha ng 18%, kasunod si Moreno na 14%, Senate President Vicente Sotto III at Marcos, na kapwa tig-10%, Pacquiao na may 9%, Cayetano, 8% at Sorsogon Gov. Francis Escudero, 7%. (Daris Jose)
-
Isa sa tatlong stories na pini-pitch sa producers: JOROSS, gustong mai-direk sina ANGEL, BEA at JUDY ANN
PAGKATAPOS na makilala bilang aktor, gusto naman ngayon ni Joross Gamboa na makilala bilang direktor. May tatlong stories na ipi-pitch si Joross sa ilang producers na dasal niya ay mabigyan ng chance na magawa. “Gusto ko, ‘yung idi-direct ko, ako rin ang magsusulat. One is a sports comedy with a twist. Magugustuhan […]
-
Serena Williams hindi na itinuloy ang laro sa Wimbledon matapos ma-injured
Hindi na tinapos ni Serena Williams ang kaniyang laro sa first round ng Wimbledon at tuluyan ng nagretire matapos na ito ay nagtamo ng injury. Hawak ng 39-anyos ang kalamangan sa first set 3-1 laban kay Aliaksandra Sasnovich ng Belarus ng ito ay nadulas. Dahil sa kailangan niyang ipasuri ang kaniyang […]
-
Pagbabawal sa paghalik sa religious statues at pagpapako sa krus sa Holy week, inirekomenda ng DOH
PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga simbahan maging ang publiko na kung maaari ay ipagbawal muna ang paghalik sa mga religious statues at pagpapapako sa krus para maiwasan ang hawaan ng sakit. Ito ay may kinalaman sa nalalapit na paggunita ng Holy Week mula Abril 10 hanggang Abril 16 ngayong taon. […]