• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SARAH, umamin na rewarding at challenging ang buhay may asawa; MATTEO, proud at nag-uumapaw ang pagmamahal

ANG sweet naman ng mga dedicated fans ng married couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, dahil sila ang nag-post sa social media nang mag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang first wedding anniversary, sa Coron Palawan. 

 

 

Matatandaang kinasal sina Matteo at Sarah noong February 20, 2020. Nag-post din si Matteo on their special day sa Instagram ng kanilang ‘family photo’ na kasama nila ay tatlo nilang aso, sa Coron.

 

 

“Love, HAPPY 1st year anniversary!!  Look at our family!  Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up,” sabi ni Matteo.

 

 

“You continue to inspire me everyday, and I love celebrating life with you.  So proud of you my love! I love you forever.” #proudhusband #blessed.

 

 

Ayon naman kay Sarah in a recent interview: “Our marriage is both rewarding and challenging. The marriage itself is a blessing, an opportunity to spend the rest of your life with your loved one. ‘Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life.

 

 

    “Challenging kasi  sa situation ko, parang ito na ‘yung big leap ko papunta ng adulting, sinasabi ko nga lagi, na-expedite. Masyado na ngang long-overdue but I guess ito talaga ang plano para sa akin.”

 

 

Despite all the challenges, Sarah considers her marriage as the happiest moment of her life.

 

 

***

 

SWEET Sixteen na si young Kapuso actress Jillian Ward, last February 23, na nagsimula sa GMA Network as a child star sa Trudis Liit. 

 

 

At 15, sinimulan ni Jillian ang GMA Afternoon Prime  drama na Prima Donnas, as one of the Donnas, siya si Donna Marie, Althea Ablan as Donna Belle and Sofia Pablo as Donna Lyn.

 

 

Very special ang kanyang birthday dahil ang pinakamaganda niyang birthday gift na natanggap ay announcement na ang kanilang afternoon soap is coming back for a second book.

 

 

Kaya nasabi ni Jillian na iyon daw ang “the best birthday gift ever!”

 

 

At bilang pasasalamat, dagdag ni Jillian: “Today, I’m not only cherishing the gift of life, but also everyone in my life.  You all help me discover myself, I will continue to grow from the past, embrace the present, and look forward to a blissfully kind future.”

 

 

Sa ngayon ay inihahanda na ng GMA production team ang pagpapatuloy ng story ng Prima Donnas with the same cast, to be directed pa rin ni Ms. Gina Alajar.

 

 

***

 

 

NAGTATALU-TALO ngayon ang mga viewers ng primetime telebabad na Love of My Life nina Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez.

 

 

Ang lakas ng reaction ng mga fans dahil bukod sa lalong gumaganda ang story gabi-gabi, nabuo ang Team Adelle & Nikolai, at Team Kelly & Nikolai sa social media.

 

 

Team Adelle & Nikolai, dahil si Adelle raw naman ang talagang mahal ni Nikolai, and in turn, umamin na rin si Adelle na mahal na rin niya si Nikolai.

 

 

Katwiran naman ng mga netizens na Team Kelly and Nikolai, paano naman si Kelly na dinadala ngayon ang baby ni Nikolai, at mahal na mahal niya?

 

 

Subaybayan gabi-gabi ang Love of My Life pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA-7 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Mga aktibong kaso ng COVID-19, posibleng pumalo sa 500,000 sa kalagitnaan ng Mayo – DOH

    Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa patuloy na pagbaba sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) ay posibleng magdulot sa muling pagsipa ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.     Ipinahayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay nang pagsasabing ang kapabayaan na ito ay maaaring magresulta sa […]

  • ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR

    DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.     Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang […]

  • Alex Eala, hawak na ang No. 75 sa Live WTA ranking kasunod ng panalo sa mga dating Grand Slam champion

    Hawak na ni Pinay tennis star Alex Eala ang No. 75 sa Live Women’s Tennis Association ranking, kasunod ng impresibong performance sa mga nakalipas na laban sa 2025 Miami Open. Bago ang pagsabak ni Eala sa naturang turneyo, hawak nito ang pang-140 na pwesto sa WTA. Agad siyang umakyat sa ranking at nilagpasan ang mahigit […]