• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sasali pa rin kahit gumaganda na ang showbiz career: HERLENE, patuloy na isusulong ang pagta-Tagalog sa mga pageants

SOLID DongYan fan ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake kaya naman hindi kataka-taka na napaiyak siya noong makita at makaharap niya ng personal sa isang event ang magandang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.

 

 

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay ikinuwento ni Zeinab na lahat ng projects ng mag-asawa, tulad ng “Marimar”, ay napanood niya.

 

 

At nang makita niya si Marian sa unang pagkakataon nang personal sa isang event, sinabi ni Zeinab na hindi niya napigilan na maiyak.

 

 

“Kasi parang nananaginip ako na isang batang naglalaro lang ng ‘Marimar’ dati sa trisikelan ngayon makakaharap yung idol niya,” sinabi pa ng vlogger.

 

 

Nang tanungin ni Tito Boy si Zeinab kung ano ang una niyang nasabi kay Marian, tugon niya…

 

 

“Sobrang ganda. Iyon yung una mong sasabihin sa kaniya. Kahit sino namang kausap niya pagtingin mo, ‘Ay! ang ganda ni mama may spotlight ang mukha.’

 

 

“Ang ganda talaga ni Ate ‘Yan.

 

 

“At hindi lang sa mukha [maganda], puso niya gustong-gusto ko.”

 

 

Kaya naman natutuwa niya na nagiging kaibigan na niya ang kaniyang idolo.

 

 

Samantala ay sumasailalim na si Zeinab sa acting workshop dahil mag-aartista na siya.

 

 

***

 

 

AMINADO si Herlene Budol na kabado siya sa pagpasok sa pageant.

 

 

Nadoble pa ang kanyang nerbiyos dahil nakatakda na ring magsimula ngayong Lunes, June 26, ang bago niyang GMA Afternoon Prime series na ‘Magandang Dilag’.

 

 

“‘Yung kaba na ‘yun, ‘yun ‘yung magpapapursigi pa sa ‘yo ng mas sobra-sobra dahil hindi ka nagiging petiks, hindi ka nagiging kalmado. Ibig sabihin, gigil ka sa lahat ng ginagawa mo,” pahayag ni Herlene.

 

 

Excited na rin daw siyang mapanood ng mga Kapuso ang serye dahil sigurado siyang maraming makaka-relate rito.

 

 

“Sobrang ganda noong kuwento. Hindi naman nakakalayo sa kung ano ‘yung mga na experience ko sa buhay. Ang ganda noong story na hindi ko akalain na mangyayari at magagawa ko po ng tama.

 

 

“As Gigi Robles naman po, wala po siyang pinagkaiba as Herlene. Sobrang trying hard niya sa lahat ng bagay. Gusto lang niyang maging masaya ‘yung pamilya niya.

 

 

“Also, ayaw niyang napapagod dahil may goal siya sa buhay niya na kailangan niyang ma-achieve in the future,” kuwento ni Herlene.

 

 

Sinabi rin niya na pursigido pa rin siyang sumali sa beauty pageants kahit na patuloy na gumaganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

 

 

“Kahit anong marating ko sa buhay ko, titingala pa rin ako. Kahit gaano na ako kataas, titingala pa rin ako. Ibig sabihin noon, every time na mayroon akong naa-achieve, nangangarap pa rin po ako,” saad ni Herlene.

 

 

Kamakailan ay nakatanggap ng kritisismo si Herlene dahil sa tila paliguy-ligoy niyang sagot sa casual interview sa isang event ng Miss Grand Philippines 2023.

 

 

Sinabi naman niyang isang pagkakamali lang ang nangyari at patuloy niyang isusulong ang pagsasalita ng Tagalog sa mga pageants na sasalihan niya.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pagsisimula ng local campaign, generally peaceful – PNP

    ITO ANG deklarasyon nitong Sabado ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng campaign period para sa lokal na posisyon kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election. Sinabi ni PNP Chief P/ Gen. Dionardo Carlos, walang naiulat  na anumang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.     Ang campaign period […]

  • Mag-ina binaril sa ulo ng jail officer bago nagpakamatay din

    NASAWI ang 55-anyos na ginang at ang dalaga niyang anak matapos barilin sila sa ulo ng jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.     Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Lanie” at ang jail officer na si alyas […]

  • Parks hindi ban sa PBA — Marcial

    Hindi maba-ban si Bobby Ray Parks Jr. sa PBA.     Ito ang binigyan linaw ng pamunuan ng PBA kung saan tiniyak nitong walang ipapataw na ban sa Talk ’N Text guard.     Nagsulputan sa social media ang ilang larawan na umano’y binigyan ng ban ng PBA si Parks matapos ang ginawa nitong biglaang […]