• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sasalubong sa mga consumers sa Disyembre 1… P2 hanggang P3 na umento sa presyo ng liquefied petroleum gas, posible

POSIBLENG magkaroon daw ng umento sa presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Disyembre.

 

 

Ayon sa mga energy sources, papalo sa P2 hanggang P3 ang nakikita ng mga Department of Energy (DoE) na dagdaga sa presyo ng kada litro ng LPG.

 

 

Katumbas ito ng P22 hanggang P33 na dagdag sa kada 11 kilogram na regular cylinder ng LPG.

 

 

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad na ang buwan ng Nobyembre at Disyembre ay nararanasan talaga ang pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa impact period ng LPG inventory build-up.

 

 

Pero pagsapit naman daw ng Enero, Pebrero at Marso ay bababa na ang presyo dahil sa utilization period.

 

 

Kung maalala, ngayong buwan ang presyo ng LPG products ay may dagdag na P3.50 kada kilo habang ang AutoLPG prices ay tumaas naman ng P1.96 kada litro. (Daris Jose)

Other News
  • Matapos sabihan ni dating DFA Sec. del Rosario na traydor si Pangulong Duterte: Sec. Roque bumuwelta, ikaw iyon!

    IKAW iyon.   Ito ang buweltang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa akusasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na “traydor” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil di umano’y may impluwensiya ang bansang China sa 2016 Philippine elections para siguraduhing maupo ang Chief Executive bilang halal na Pangulo ng bansa.   Kapansin-pansin […]

  • TOM, nagka-interes sa kakaibang character kaya niya tinanggap ang teleserye kasama sina ALDEN at JASMINE

    SIMULA na ngayong gabi, June 28, ang finale week ng top rating at pinag-uusapang romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.     Nagsimula na ang twist ng story last Friday evening, and it seems, na wala nang maba-bash ang mga netizens na galit sa mga gumanap na kontrabida sa buhay […]

  • Tiniyak na may libreng sakay

    NANINIWALA ang Malakanyang na hindi dapat magkaroon ng talagang matinding problema ang mga mananakay ngayon at nagsisimula na ang 7 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman sinuspinde ng pamahalaan ang public transportation sa ipinatutupad ngayong ECQ sa […]