• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso 2 palo lang iwan sa opener

TUMIKADA si Yuka Saso ng Pilipinas ng six-under par 68 para mapag-iwanan lang ng dalawang palo sa pagsisimula kamakalawa, Huwebes ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Championship Minolta Cup 2020 first round sa  JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.

 

Magara ang umpisa ng 19 na taong gulang na Haponese-Pinay na pinanganak sa San Ildefonso, Bulacan nang makahambalos ng tatlong birdie sa front nine para sa 33, at dalawa pa sa back nine. Kaya lang nadisgrasya sa bogey sa huling butas pa-35 upang humanay sa walong magkakasosoyo sa panlimang puwesto.

 

Akbayan sa 1-2 positions sa identical 66s sina Korean Min-Young Lee at Japanese Serena Aoki, tie din para sa 3rd-4th sa magkatulad na 67 sina Ayako Kimura at Serena Aoki na kapwa Haponesa, saka ang pangkat ng reigning top PH golfer.

 

Nakatingala ang bagitong propesyonal na si Saso pangatlo niyang korona sa ikalimang torneo sa 53rd JLPGA 2020, at una pa lang na major title sa mayamang sport circuit sa kontinente, na pinaliit sa taong ito ng COVID-19.

 

Nagsisilbi ang torneo na second  sa apat na major sa circuit pagkaraang kanselahin ang panimulang World Ladies Championship Salon Pass Cup noong Mayo. Kasama rin ang Japan Women’s Open Golf Championship sa Oktubre at Tour Championship Ricoh Cup sa Nobyembre. (REC)

Other News
  • P3.5M, kotse taya sa Pearl Cup finals

    PAGKALIPAS ng mga eliminasyon sa probinsiya, lalargahan na ang LDI Pearl Cup 5-Cock Derby grand finals sa Pebrero 19 sa malamig na San Juan Coliseum.   Humila ng entries ang pasabong na ito ng Lakpue Drug Inc. (LD1) sanhi nang mababang entry fee na P3,300, pero garantisado ang P1.35M cash prizes hiwalay pa ang at […]

  • Ex-NBA star Cedric Ceballos hiling ang dasal habang nasa ICU dahil sa COVID-19

    Nanawagan na rin ang NBA sa kanilang hanay para isama sa kanilang panalangin para sa recovery ang isang dating veteran NBA player na nag-aagaw buhay dahil sa COVID-19.     Una rito marami ang nagulat sa inilabas na larawan ni Cedric Ceballos kung saan nasa ICU siya at naka-intubate o oxygen mask habang nasa ika-10 […]

  • Philippine Pediatric Society, may paalala sa mga magulang ukol sa iba pang bakuna na kinakailangan ng mga bata

    PINAALALAHANAN ng Philippine Pediatric Society ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.     Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy ngayon na vaccination effort ng gobyerno para sa mga batang 5 to 11yo.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Chairman […]