Saso biniyayaan ng P480K
- Published on March 17, 2021
- by @peoplesbalita
MAANGAS ang third and final round ni Yuka Saso na three-under par 69 patungo sa total 214 pero kumasya lang iyon para sa walong magkakasalo sa ika-12 posisyon na na may grasyang ¥1,080,000 (P480K) bawat isa sa pagrolyo ng 14th Meiji Yasuda Seimei Ladies Yokohama Tire Golf Tournament 2021 sa Tosa Country Club sa Kochi Prefecture, Japan nitong Linggo, Marso 14.
Iwan lang ang 19-anyos na Fil-Japanese mula sa San Ildefonso, Bulacan ng apat na hampas sa Haponesang si Inami Mone na nanaig sa playoffs sa kalahi niyang si Kana Nagai mula sa pagkakabuhol nila sa regulation play sa tig-201 aggregate mula sa napalong 76 at 73, ayon sa pagkakabanggit.
Nasa radar din ng top Philippine rookie professional na si Saso ang T Point X Eneos Golf Tournament darating na Marso 19-21 sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, ang ikatlo niyang lalaruan sa taong ito sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21.
Sumablay siya sa cut sa pagsosyo lang sa eight-way tie sa 63rd spot sa 107-player The 34th Daikin Orchid Ladies Golf Tournament 2021 noong March 4-7 sa Rykyu Golf Club sa Okinawa Prefecture. (REC)
-
PBBM, winelcome ang 2 bagong ATAK helicopters; nangako na mabilis na iaarangkada ang PAF modernization
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) sa hangarin nitong matupad ang vision nito na maging world-class. Pinangunahan ng Chief Executive ang ceremonial blessing ng dalawang bagong T129 ATAK helicopters sa Malakanyang. Umaasa naman ang Pangulo na ang modernization goal ay magiging daan para mapalakas ang […]
-
PDU30, pinakakasuhan na sa Senado ang Pharmally
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na sampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation dahil sa overpriced na COVID-19 supplies na binili ng gobyerno. Sa kanyang lingguhang address to the nation nitong gabi ng Lunes, iginiit ng pangulo na ang Senado ay hindi criminal court at hindi […]
-
Ads June 5, 2021