Saso muling pumuwesto sa ika-50, binulsa P489K
- Published on April 12, 2021
- by @peoplesbalita
RESPETADONG winakasan ni Yuka Saso ang kampanya sa binirang one-under par 71 pa-even 288 sapat sa seven-way tie para sa 50th place uli at premyong $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa Rancho Mirage, California nitong Abril 2-5 lang.
Kagayang puwesto ito ng 19 na taong-gulang na Pinay-Haponese ang sa tinapos niya sa 53rd Japan LPGA Tour 2020-21 17th leg ¥100M 12th T-Point Eneos 2021 sa Kagoshima na rito’y nabiyayaan siya ng ¥400K (₱175K) noong Marso 19-21.
Dumale sa US major crown sa buwena-mano niyang panalo sa dalawang palo sa paliga ang produkto ng University of California-Los Angeles na si Patty Tavanakit, 21, ng Thailand, sa 68-270 na may $465K (₱22.5M).
Ineklipsehan niya ang tournament-tying single-round record 62 at tourney-mark 29 sa front nine ni Lydia Ko ng punong abalang bansa na may 72-hole tole 272 at magkasya para sa $287,716 (₱14M). Tersera ang apat na golfer na may 277 at $151,615 (₱7.3M).
Nganga sa gantimpala ang nalagak sa siyam na magkakasosyo sa ika-87 posisyon ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Bianca Isabel Pagdanganan na sumablay ng tatlong palo para ma-cut makalipas ang second round. (REC)