Saso, Pagdanganan sama muli sa LPGA Tour 5th leg
- Published on April 5, 2021
- by @peoplesbalita
MAGKASAMANG muli sina 1-2 Philippine pros Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan bilang bet ng bansa sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $200K 11th Ana Inspiration sa Aviara Golf Club sa Carlsbad, California sa Abril 2-5.
Nagkasabay humambalos ang dalawa sa 75th US Open 2020 sa Houston, Texas noong Disyembre 10-14 kung lumagay sa pitong magkakatabla sa ika-13 puwesto at mapremyuhan ng $96,800 (₱4.6M) si Saso. Nagkasya lang si Pagdanganan sa $4K (₱192K) sa pagmintis sa cut.
Ang paligsahan ang ikaapat na para sa taong ito sa 19-anyos at isinilang sa San Ildefondo, Bulacan pagkalipas sumala sa 53rd LPGA of Japan Tour 2020-21 15th leg at tumabla sa sumunod na mga bahagi sa ika-12 at ika-50 posisyon para sa mga grasyang ¥1,080M (₱480K) at ¥400K (₱178K) sa unang tatlong linggo ng nakalipas na buwan.
Kabubuhat lang ng 23 taong-gulang at tubong Quezon City na si Pagdanganan sa pitong lumanding sa ika-34 na katayuan na may $1,061 (₱51K) sa unang laro sa 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship ntiong Marso 26-28 sa Beaumont, California.
National teaamte sina Saso at Pagdanganan nang mapasakamay ng una ang ndividual gold at ang huli ang bronze bukod pa sa gold team event ng ‘Pinas sa Indonesia 2018 Asian Games. (REC)
-
Hindi lahat ng pulis ay bugok gaya ni Nuezca – Malakanyang
Hindi lahat ng pulis ay bugok kagaya ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng brutal na pagbaril in point blank ni Nuezca sa walang kalaban- laban na mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna […]
-
Sa showbiz na na-experience at matapang na hinarap: JULIA, memorable ang ‘high school life’ at never nakaranas nang pambu-bully
SA bagong youth comedy-drama series na The Seniors mula sa VIVA TV at Project 8 Projects, pak na pak ang high school life sa Pacaque Rural High school kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, Awra Briguela at Julia Barretto. Binuo ito at prinoduce ng box-office directors na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone […]
-
‘Di na raw maghihiwalay: SHARON, inako na ang pagiging nanay kay ALDEN
MEGASTAR Sharon Cuneta and Asia’s Multimedia Star Alden Richards will play mother and son sa movie titled “A Mother & Son’s Story.” First time na magkakasama sila sa isang project at pwede naman silang mag-ina na nga dahil ang eldest daughter ni Sharon, si KC Concepcion turned 38 years old na last April […]