SBP, nakikipag-ugnayan na sa gov’t para makauwi si Kai Sotto sa PH para sa qualifiers
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
Nakikipag-ugnayan na umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamahalaan para matulungan si Kai Sotto na makauwi sa Pilipinas bago ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.
Una rito, inanunsyo ng 18-anyos na si Sorro na nais nitong maglaro para sa Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling window ng continental qualifiers, na gagawin sa loob ng isang bubble sa Clark, Pampanga mula Pebrero 17 hanggang 22.
Ayon kay Ryan Gregorio, special assistant ni SBP President Al Panlilio, maliban sa Inter-Agency Task Force, patuloy ang kanilang koordinasyon sa management team ni Sotto upang plantsahin ang mga detalye ng pag-uwi ng 7-foot-3 sensation.
Kasalukuyang nagsasanay si Sotto sa Walnut Creek, California kasama ang kanyang G League team na Ignite.
Nakatakda ring sumabak ang koponan sa G League season na isasagawa rin sa loob ng bubble sa Orlando, Florida sa buwan din ng Pebrero.
Sinabi pa ni Gregorio, binigyan na raw si Sotto ng pahintulot ng Team Ignite na mawala muna ng ilang laro sa G League season at lumahok sa FIBA Asia Cup.
Ang isyu aniya ngayon ay kung kailan makakalipad pabalik ng bansa si Sotto, dahil kailangan pa nitong sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.
“Ang talagang finality na lang on the logistical requirements para makarating siya sa ating bansa,” ani Gregorio.
“Mas maganda sana kung mas maaga, but narito na tayo. Ang sinasabi lang natin is sana makarating na, tapos ‘yung mga unknown, problemahin na lang natin ‘pagka dumating na siya,” dagdag nito. (REC)
-
Buong linggo siyang napapanood sa primetime: RURU, thankful dahil parehong nagri-rate ang dalawang shows
THANKFUL si Kapuso Primetime Action Prince Ruru Madrid na sunud-sunod ang mga hits niya sa primetime TV. Ang kanyang every night title series na “Lolong” as the most watched teleserye in the Philippines to date, na umabot ng 18 million views online and a TV ratings high of 18.9. Aliw na […]
-
US VICE PRESIDENT Kamala Harris, DARATING SA PALAWAN
SASALUBUNGIN ng Philippine Coast Guard (PCG) si United States (U.S.) Vice President Kamala Harris sakay ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Puerto Princesa, Palawan sa Martes, 22 Nobyembre 2022. Sinabi ni PCG Spokesperson, CG Commodore Armando Balilo, na magkakaroon ng briefing kay U.S. Vice President Harris sa kasalukuyang maritime operations ng coast guard […]
-
PBA ayaw nang mag-full bubble
Wala pa sa plano ng Philippine Basketball Association (PBA) ang bumalik sa full bubble para sa pagdaraos ng Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Abril 18 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City. Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, numero unong prayoridad pa rin ang semi-bubble o ang home-gym-home format na […]