SC ibinasura ang DQ vs Marcos sa botong 13-0
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
IBINASURA ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hudyat ng malayang oath-taking niya bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Sa botong 13-0, ibinasura ng SC en banc ang petisyon kontra sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon sa Certificate of Candidacy ni Marcos at isa pang petisyon na humihiling naman na idiskuwalipika siya.
“The Court held that in the exercise of its power to decide the present controversy led them to no other conclusion but that respondent Marcos Jr. is qualified to run for and be elected to public office. Likewise, his COC, being valid and in accord with the pertinent law, was rightfully upheld by the Comelec,” ayon sa pahayag ng SC Public Information Office.
Pinonente ni Associate Justice Rodil Zalameda ang kautusan, ngunit hindi pa naisasapubliko ang kopya ng desisyon.
Nabatid na hindi lumahok sa desisyon sina Associate Justices Henri Jean Paul Inting at Antonio Kho Jr. (Daris Jose)
-
LUIS, tanggap ang unfortunate accident na nakunan ang private part; proud sa movie dahil nakatrabaho si Direk BRILLANTE
NASA number one slot pa rin ng Top 10 ng Vivamax ang newest erotic-drama movie ni Direk Brillante Mendoza na Palitan na nagsimulang mag-streaming noong December 10, 2021. For sure, nakadagdag sa mabilis na pagna-number one ng Palitan sa Vivamax ang pinagpipiyestahan sa socmed ang screenshot ng ‘dick slip’ photo ng isa sa bida ng pelikula na […]
-
GCQ sa NCR at Bulacan, extended
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes, Hunyo 14 ang ekstensyon o pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region at Bulacan mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021. “Some restrictions shall, however, be observed and applied in the abovementioned areas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Inilagay […]
-
Tatakbo raw na congresswoman sa Maynila: GRETCHEN, bali-balitang papasukin na rin ang mundo ng pulitika
GAANO kaya katotoo ang tsika na mula sa isang source na isang pulitiko na malaki raw ang posibilidad na papasukin ng aktres na si Gretchen Barretto ang mundo ng pulitika ngayong 2025 elections? Tatakbong kongresista sa isang district ng Maynila si Gretchen. At ang nagpapatakbo siyempre ay no less than ang kilalang negosyante na […]