• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SC, inilabas na ang buong desisyon ng Anti-Terror Law

INILABAS na ngayon ng Supreme Court (SC) ang full decision at separate opinions sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.

 

 

Ito ay ilang buwan matapos ilabas ng kataas-taasang hukuman ang dalawang bahagi ng naturang batas bilang unconstitutional.

 

 

Siyam na critical questions naman ang kinilala ng SC bilang core issues sa 235 na pahinang resolusyon.

 

 

Idineklara naman ng Korte Suprema ang “Not intended Clause” sa probisyon ng Section 4 at ang second mode ng designation sa ilalim ng Section 25 bilang unconstitutional.

 

 

Inatasan na rin ng high court ang Court of Appeals (CA) na agad bumalangkas ng rules para sa judicial prescription na mayroong objective na mapanatili ang karapatan ng mga grupo, asosasyon at organisasyon.

 

 

Kung maaalala, ilang human rights groups, mga abogado at estudyante ang nagpahayag ng kanilang pagkontra sa desisyon ng SC at marami raw dito ang hindi naideklarang unconstitutional.

 

 

Nasa 37 petitions ang humirit sa SC para kuwestiyunin ang naturang batas at nagkaroon pa ng ilang beses na oral arguments.

 

 

Kung maalala, noong Hulyo 2020 nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terror bill para maging ganap na batas.

Other News
  • MABABANG COVID-CASES, NAITALA SA NAVOTAS

    NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na […]

  • Virtual chess, taekwondo first time sa NCAA

    Sa kauna-unahang pagkakataon ay idaraos ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang chess at taekwondo sa pamamagitan ng virtual platform.     Matapos ang opening sa Hunyo 13 ay sisimulan kinabuksan ang online chess at taekwondo (poomsae at speed kicking) competitions.     Napuwersa ang NCAA na gawin ito dahil sa coronavrus disease (COVID-19) pandemic. […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 17) Story by Geraldine Monzon

    SA WAKAS ay nakuha na rin ni Bernard si Angela mula sa kamay ni Roden. Abot hanggang langit ang pasasalamat niya sa pagbabalik ni Angela sa kanyang buhay. Umaasa siyang hindi na ito muling mawawala pa sa kanya.   Habang si Cecilia ay umaasa sa pag-ibig na umuusbong sa puso niya para kay Bernard. Matiyaga […]