SC kinatigan ang MMDA’s number coding scheme
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
Inayunan ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng mga hakbang na makakatulong upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila tulad ng number coding scheme.
Sa isang 28-pahina na desisyon na pinagbutohan ng lahat ng mahistrado ng SC, kanilang binasura ang petition para sa paghinto ng pagpapatupad ng number coding scheme na inihain ng mg drivers na sila Samson Pantaleon, Eduardo Tacoyo, Jr., Jesus Bautista at Monico Agustin.
Ayon sa SC, ang mga operators at franchises at hindi ang mga petitioners ang dapat na siyang partido sa nasabing kaso.
Pinahayag ng SC ang kaso noong November 17, 2020 subalit ang ruling ay nilabas sa publiko noong nakaraang June 11. Ang desisyon ay sinulat ni Associate Justice Marvic Leonen.
“The petitioners failed to present a factual foundation to rebut the presumption of validity of the challenged issuances, which were issued pursuant to the MMDA’s power to regulate traffic under Republic Act 7924 or the MMDA Law,” wika ng SC.
Ang mga nasabing petitioners ay sinita ang MMDA’s Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme na nakalagay sa MMDA Resolution No. 10-16 at Memorandum Circular No. 08, Series of 2010.
“The arbitrariness, oppressiveness and unreasonableness of the implementation of the issuances have not been sufficiently shown. The buses driven by the petitioners have not been totally banned from plying Metro Manila roads. However, as in private vehicles, the operation of public utility buses was regulated to ease traffic congestion,” dagdag ng SC.
Sa ilalim ng RA 7924, ang MMDA ay binigyan ng kapangyarihan na magayos ng trapik sa mga pangunahing lansangan at daanan sa Metro Manila.
Nakasaad sa memorandum of agreement na pinakasunduan sa pagitan ng MMDA at mga operators, ang mga buses ay partially exempted mula sa number coding scheme. Ang mga passenger buses ay kasama sa traffic scheme na nakalagay sa MMDA’s issuances kung kaya’t ito ang nagudyok sa petitioners na maghain ng kaso sa SC.
Ayon pa rin sa SC, ang MMDA’s issuances ay hindi nanghihimasok sa regulatory powers ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga pampublikong sasakyan.
Sa kasalukuyan, ang coding scheme ay nanatiling suspendido pa rin dahil sa pandemya. (LASACMAR)
-
CLINICAL TRIAL NG MEDICAL CANNABIS, ISASAGAWA SA PILIPINAS
IBINUNYAG ng scientist at inventor na si Richard Nixon Gomez sa isang forum na may malaking kumpanya sa ibang bansa na magsasagawa ng phase 3 clinical trial para sa medical cannabis dito sa Pilipinas. Aabot aniya sa 50 millon US Dollar ang nasabing proyekto. Sa naturang medical trial ay dito sa ating bansa […]
-
Ads December 20, 2024
-
Sa in-isyung statement ng Sparkle GMA Artist Center: Nag-post at nag-share ng pinekeng photo ni ALDEN, papatawan ng legal action
NAG-ISSUE ang Sparkle GMA Artist Center ng statement tungkol sa fake photo ni Alden Richards na lumabas. Gagawan nila ng legal action ang nag-post at nag-share ng pinekeng larawan ni Alden. Ayon sa statement, “It has come to our attention that a photo of our artist, Mr. Alden Richards, appearing to […]