• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Scariest Costume Award, napunta kina Miguel at Sofia: ALDEN at ANDREA, napiling ‘Best Dressed’ sa Halloween party ng GMA-7

HINDI binigo ng Sparkle at GMA Network ang publiko dahil matapos ang glamoroso nilang GMA Thanksgiving Gala noong Hulyo ay nagpasabog silang muli sa pamamagitan ng The Sparkle Spell na isang Halloween party kung saan naggagandahan, nagniningning at nakakatakot na mga costumes ang ipinarada ng male and female Sparkle stars.

 

 

Ginanap ito Linggo ng gabi, October 23 sa XYLO sa BGC sa Taguig, rumampa sa tinatawag na “blood carpet” ang lahat ng dumalo.

 

 

Napili bilang Best Dressed sa Male Category si Alden Richards; naka-Squall Leonhart costume mula sa sikat na video game na Final Fantasy VIII ang Start-Up PH male lead star.

 

 

Samantala, si Andrea Torres naman na naka-sexy Ursula inspired outfit ang napili bilang Best Dressed sa Female Category.

 

 

Hinirang naman bilang Best Dressed Couple sina Gabbi Garcia (as Britney Spears) at Khalil Ramos (bilang Justin Timberlake) habang nanalong Sexiest Costume Award ang Cleopatra’ng si Michelle Dee.

 

 

Naiuwi naman ni ‘What We Could Be’ male lead na si Miguel Tanfelix ang Scariest Costume Award bilang si Edward Scissorhands at si Sofia Pablo, bilang Emily sa horror film na Corpse Bride, ang napiling Star of the Night.

 

 

Hinirang naman na Male and Female TikTok Crowd Favorite sina Ken Chan (bilang Ken Doll) at Sassa Gurl (bilang isang random online seller na may bitbit pang ring light).

 

 

***

 

 

SA unang pagkakataon ay mapapanood si Lotlot de Leon sa isang international BL (Boys’ Love) series!

 

 

May pamagat na ‘Stay’, male lead dito ang modelo at aktor na si Sebastian Castro na mula pa noong March 2020 ay nanirahan na sa Amerika para samahan sa gitna ng pandemya ang kanyang mga magulang na doon rin naka-base.

 

 

Ang ‘Stay’ ay mula sa Team Campy Entertainment nina Dexter Hemedez at Allan Michael Ibañez, ang mga direktor ng multi -awarded na indie film noong 2016, ang ‘1st Sem’ kung saan si Lotlot rin ang female lead at ang then newbie actor na si Darwin Yu ang bidang lalaki.

 

 

Kapareha ni Sebastian sa ‘Stay’ ang American theater actor na si Ellis Gage na tulad ni Sebastian ay napakaguwapo rin.

 

 

Kasama rin sa BL series ang Filipino drag queen na based na sa US na si Bombalicious Eklaver.

 

 

Abangan sa Facebook page at iba pang social media account ng Team Campy Entertainment ang mga update tungkol sa release date, platform at venue kung kailan at saan ipapalabas ang Stay at kung paano ito mapapanood.

 

(ROMMEL GONZALES)

Other News
  • VOTERS REGISTRATION PASA SA BSK ELECTION

    NAGTAKDA na ng petsa ng voter’s registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.     Ayon kay Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco, napagpasyahan ng Commission En banc na itakda ang voter’s registration period sa Disyembre 9 hanggang Enero 31,2023.     Ito ay upang bigyan daan ang […]

  • Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million

    Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.     Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay […]

  • PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA

    KINUMPIRMA  ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod.     Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac […]