• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE MULING NAKAMIT NG NAVOTAS

Nasungkit muli ng Navotas ang Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation para sa pangatlong magkakasunod na taon.

 

 

Natanggap ng lungsod ang recognition sa ginanap na 14th National Educational Summit.

 

 

Dalawang local government units lang sa National Capital Region ang nabigyan ng ganung karangalan.

 

 

Pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang sektor ng edukasyon ng lungsod at lahat ng mga kasosyo at stakeholder nito.

 

 

“We are grateful to our teachers, parents, local school boards, school governing councils and all of our education stakeholders for their steadfast commitment to give Navoteño youth the best education possible, whatever the circumstances are,” ani Tiangco.

 

 

Noong nakaraang taon, namigay ang Navotas ng 49,000 NavoSchool-in-a-Box (NavoBox) na isinagawa ng Department of Education’s Learning Continuity Plan for 2020-2021. Ang NavoBox ay naglalaman ng mga textbooks, self-learning modules, worksheets, lesson guides for parents/guardians, school supplies, at hygiene kits.

 

 

 

Kinilala ng Department of Education ang NavoBox bilang isang modelo para sa blended learning delivery at ginamit bilang benchmark ng iba pang mga lungsod sa buong bansa.

 

 

 

Ang Navotas Schools Division Office ay inilunsad din ang Hatid-Aral Project, kung saan ang mga barangay opisyal at mga miyembro ng school governing councils ang tumulong sa paghatid ng NavoBox sa bahay ng mga estudyante para hindi na ito kunin ng mga magulang.

 

 

Itinatag din nito ang Project: Teach-a-Learning Child (Project TLC), kung saan isang volunteer tutor ang tumutulong sa isang mag-aaral sa mga worksheet sa NavoBox. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads June 29, 2024

  • LTO: Gagawing online lahat ng transakyon

    MAY PLANO ang Land Transportation Office (LTO) na gawin ng online ang lahat ng transaksyon upang maalis ang korupsyon at fixers sa loob ng ahensya.       Sa isang pahayag ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ay kanyang sinabi na ang lahat ng pagrerehistro ng sasakyan at aplikasyon para sa lisensya ay gagawin […]

  • PDu30, natupad ang pangako na dadalhin ang kapayapaan sa Mindanao

    SA PAGTATAPOS ng kanyang termino sa nalalabing tatlong buwan, naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagawa at nagampanan niya ang kanyang pangako na dalhin ang kapayapaan sa Mindanao.     Sa isang panayam sa Pangulo ni Pastor Apollo Quiboloy na inere, araw ng Sabado ng SMNI, binigyan ng kredito ng Pangulo ang mga lider […]