• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Chua, kumpiyansang mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso

KUMPIYANSANG inihayag ni Acting SocioEconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso kung makikipagtulungan ang publiko sa minimum health standards.

 

Giit ni Chua, hindi na kakayanin ng ekonomiya na bumalik sa mas mahigpit na quarantine measures.

 

Kumbinsido si Chua na pagkatapos ng Pebrero ay nasa mas maayos nang posisyon ang bansa para mapaluwag pa ang restrictions subalit kadalasan ay ang behavior o ang pag-uugali ng publiko ang magtatakda nito kung susunod sa health protocols gaya ng pag-obserba sa physical distancing at pagsusuot ng face masks.

 

Napag-alaman na noong nakaraang linggo ay sinabi ni Chua na di na kakayanin ng Pilipinas na mapahaba pa ang quarantine dahil nawalan na ng nasa P1.4 trilyon o P2.8 bilyong kada araw ang mga pamilya noong 2020 bunsod ng lockdown restrictions.

 

Malinaw na ang ibig sabihin lamang nito ay nasa P23,000 annual income loss ang naitala kada worker pero posibleng mas mataas pa para sa mga manggagawa sa hard-hit sectors.

 

Samantala, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ibabase nila ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa economic at health data. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang deadma sa mga patutsada ni VP Sara

    HINDI na papatulan ng Office of the President ang mga patutsada ni Vice President Sara Duterte sa naging press briefing nito.   Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na hindi maglalabas ng pahayag ang Palasyo kaugnay sa mga atake ni Vice President Sara Duterte.   Mababatid na maaanghang ang mga binitawan na salita […]

  • Marami ang natuwa nang mag-guest sa ‘It’s Showtime’: MICHAEL V., may pahiwatig sa possible collab nila ni VICE GANDA

    MARAMI ang natuwa nang mag-guest si Michael V. o si Bitoy sa “It’s Showtime” bilang bahagi ng birthday celebration ng kanyang kaibigan na si Ogie Alcasid last Saturday.     At hindi ito rito nagtapos. Nag-post si Bitoy sa kanyang Instagram account ng picture kasama si Vice Ganda at gayundin ng iba pang co-host ng […]

  • Andas ng Poong Nazareno, pinatibay

    GINAWA nang mass matibay ngayon ang andas ng Poong Hesus nazareno para sa Traslacion 2025 kung saan ginawa na itong sunproof , ayon kay  Minor Basilica at national Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church . Sinabi ni Fr.Robert Arellano, tagapagsalita ng Quiapo Church na ang kapistahan ngayon ng Jesus Nazareno na makikita na ng […]