• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Cusi, nag-sorry dahil sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo

HUMINGI ng paumanhin si Energy Secretary Alfonso Cusi sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo.

 

Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni Cusi na kagyat namang naibalik sa normal ang suplay ng kuryente.

 

Sa ulat, tumama ang rotational brownouts sa ilang bahagi ng Luzon simula nitong araw ng Lunes, kung saan sumabay ang matinding init ng panahon kaya’t kinailangan ang suplay ng kuryente na naapektuhan naman ng maintenance work at unscheduled outages sa mga pangunahing power plants sa Luzon at low gas pressure mula naman sa Malampaya gas field.

 

“Normal na po ang supply ng kuryente for today. Ang supply po is more than sufficient to meet the projected demand today. The projected demand for Thursday is at 10,300 megawatts, while the supply is at about 11,600 megawatts, ani Cusi.

 

“I apologize for the last 2 days na nagkaroon po ng rotating brownouts. Dahil po ‘yon dahil sa sabay-sabay po na nagkaroon po ng breakdown ng 4 na plantang malalaki,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

 

Ang 4 na planta ay may kakayahang makapagbigay ng 2,000 megawatts.

 

Aniya, ipinag-utos na niya ang imbestigasyon sa posibleng sabwatan sa hanay ng mga power plants dahilan kaya’t bumagsak ang suplay ng kuryente.

 

“Pero habang hindi pa po natatapos ang imbestigasyon, hindi pa po tayo makakapagsabi kung ano ba talaga ang nangyari,” aniya pa rin.

 

Nagpahayag naman si Sen. Sherwin Gatchalian, pinuno ng Senate energy committee na nagpatawag siya ng imbestigasyon ukol sa rotational brownouts.

 

Samantala, binabalak naman ng Department of Energy (DOE) na magsampa ng kaso sa mga power companies dahil sa nararanasang rotational brownouts sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.

 

Ayon kay Energy Undersecretary William Fuentebella, nakatakda silang makipag-ugnayan sa Energy Regulatory Commission (ERC).

 

At Philippine Competetion Commission at Department of Justice (DOJ) upang pag-aaralan ang economic sabotage na isasampa sa ilang mga hindi tinukoy na power companies.

 

Matatandaang kapwa magsasagawa ang dalawang kapulungan ng kongreso upang pagpaliwanagin ang DOE hinggil sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon. (Daris Jose)

Other News
  • FAN-LESS GAMES, LEBRON BOYKOT SA NBA

    BINABALAK ng NBA na magkaroon ng ilang laro na hindi magpapapasok ng mga fan sa game venue upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na coronavirus.   Hindi sang-ayon dito si NBA Lakers supertstar LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19.   “We play games without […]

  • JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS

    NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya .     Sa panayam kay Marcos […]

  • 3 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD

    NASAGIP  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa kasagsagan  ng bagyong Dante sa Northern Cebu.     Ayon sa PCG-Tudela Station, naputol ang propeller ng motorbanca na sinasakyan ng mga pumalaot na mangingisda kasabay ng malakas na pag-ulan.     Dahil dito, nagpalutang-lutang ang kanilang motorbanca hanggang mapadpad sa […]