• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Lorenzana, pinabulaanan ang ulat na magkaiba sila ng ‘tono’ ni PDu30 sa usapin ng incursion ng China sa WPS

PINABULAANAN ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na taliwas ang kanyang mga pahayag sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng incursion o pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Aniya, ang naging kautusan ni Pangulong Duterte sa defense department hinggil sa WPS ay “firm and straightforward” at ito ay ang ipagtanggol ang pag-aari ng bansa na hindi maglulunsad ng giyera.

 

“President Duterte’s orders to us have been very firm and straightforward: defend what is rightfully ours without going to war and maintain the peace in the seas. Yung nagsasabi na hindi kami align ng Presidente ” ayon kay Sec. Lorenzana.

 

At bahagi aniya ng tinatawag na ‘long-standing and multi-faceted relationship’ ng Pilipinas sa China, sinabi ng Kalihim na kapuwa pinapanatili ng daawang bansa ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan na ‘mutually beneficial’ sa mga Filipino at mga tsinoy.

 

“We can be cordial and cooperative with other nations but not at the expense of our sovereignty and sovereign rights,” dagdag na pahayag nito.

 

Giit pa ni Lorenzana sa kabila ng taglay ng China ang mas ‘superior military capabilities’ ay hindi naman aniya ito hadlang sa kanila para depensahan ang national interest  at dignidad ng mga Filipino gamit ang lahat ng ‘available resources o assets.’

 

“Thus, the conduct of maritime patrol in the WPS and Kalayaan Island Group by the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources will continue. The government will not waiver in its position. Walang alisan ,” ang pahayag ni Lorenzana.

 

Bukod dito, sa pinakahuling kaganapan aniya ay malinaw na kailangan na mayroong pangangailangan na ang lahat ng stakeholders ay makikipagtulungan.

 

“They can now take this as an opportunity to advance the values and principles we collectively affirm and profess to respect – including the peaceful settlement of disputes – as partners and as signatories to UNCLOS (United Nations Convention for the Law of the Sea) and all relevant international instruments,” anito.

 

Sa ulat, sinabi ni Lorenzana na waang legal na basehan ang China na pigilan ang Pilipinas na magsagawa ng maritime atrol sa WPS.

 

Wala aniyang basehan ang nine-dash line ng China na siyang ipinangangalandakan nito.

 

Giit ni Lorenzana, wala umano ito sa 1982 UNCLOS at pinawalang-bisa sa 2016 Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa hirit ng Pilipinas sa mga exclusive economic zone (EZZ) sa South China Sea. (Daris Jose)

Other News
  • Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA

    NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito.   Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila.   Labis naman itong […]

  • DepEd Sec. Angara babantayan ang anti-bullying policy compliance ng mga paaralan

    Babantayan ni Education Secretary Sonny Angara ang compliance ng mga paaralan pagdating sa pag implimenta ng kanilang anti-bullying policy. Ayon kay Angara, required ang bawat paaralan na magkaroon ng anti-bullying policy. Bagamat hindi sinasabi ng batas kung gaano umano ka istrikto, kinakailangan pa rin na magkaroon ng polisiya hinggil dito. Nabanggit din ni Angara ang […]

  • Double face mask mas mabisang pang-iwas vs COVID-19

    Inirekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos ang pagsusuot ng dobleng face mask para mas mabisang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus 2019.     Sa bagong resulta ng pag-aaral ng CDC, mas mabisang pag-iwas sa virus kung ipapatong ang cloth mask sa disposable medical mask.     Kapag isang disposable […]