• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31

NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”.

 

“Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas ng Bagong Taon. Ang konteksto lang nito, talagang maraming tao ang hindi nakapaghanapbuhay dahil dito sa pandemiyang ito. Kaya nga ninanais ng economic team na makahabol naman tayo, at iyon po ang konteksto na aking sinabi. Hindi naman po talaga bakasyon ‘yan, kung hindi, hindi nakapagtatrabaho, kaya ngayon na pupuwede na po tayong makapagtrabaho sana dahil nagbubukas na tayo ng ekonomiya, hayaan naman nating kumita at makapagtrabaho ang ating mga kababayan,” ang palinawanag ni Sec. Roque.

 

Marami kasi ang na-offend sa naging pahayag ni Sec. Roque na kaya nag-anunsyo ng ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 ay dahil nga “isang taon na tayong nakabakasyon”.

 

Nauna rito, tablado sa Malakanyang ang panawagan ni Senator Risa Hontiveros na irekonsidera at bawiin ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31.

 

Ang katuwiran ni Sec. Roque, masyado ng napakatagal na nagbabakasyon ng mga Filipino dahil sa Covid 19 kaya’t malabong pagbigyan ang panawagan nito.

 

“Well alam nyo po yan ay dahil sa advised ng economic team. napakatagal na po nating nakabakasyon. halos isang taon na tayong bakasyon dahi sa Covid-19,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Siguro naman po dahil nandito na ang bakuna, hayaan naman natin na maka-recover tayo for loss time noh? Pero tingnan po natin kung anong mangyari .. tingnan natin baka naman dahil may bakuna na eh makabalik na tayo sa dati. Baka hindi na natin kinakailangan na maghabol pa noh? pero let us have faith po sa economic team at sa katotohanan na napakatagal na po nating nakabakaasyon. Iyong iba nga nawala ng trabaho gusto ng mag-trabaho noh?so, let’s leave at that po,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Matatandaang, inamyendahan ng Malakanyang ang listahan ng holiday ngayong taon kung saan sinabing special working holidays na ang November 2 (All Souls’ Day), December 24 (Christmas Eve) at December 31 (last day of the year).

 

“While we understand the need to increase economic productivity, demoting special Filipino holidays to special working holidays will only burden and demoralize Filipino workers, many of whom are already underpaid and struggling with high prices of goods,” panig ni Hontiveros.

 

“This is rubbing salt on the people’s wounds. Bakit aalisin ang pagkakataon para kumita ang mga kababayan natin ng extra, ngayong marami ang hirap sa buhay?”

 

“What is the motivation to suddenly make them working holidays? May iba namang mga special non-working holiday na pwedeng galawin, pero yung Christmas Eve at New Year’s Eve? Dapat understood na non-negotiable ang mga petsang ito,” giit pa nito.

 

Matatanggal aniya sa mga empleyadong papasok ang karagdagang  holiday pay na 30 percent ng kanilang daily basic wage. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, inaprubahan ang pondo para sa ayuda para sa 80% ng populasyon sa NCR

    IBINALITA ni Senador Bong Go na inaprubahan na noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pondo para sa financial assistance na ipapamahagi sa mga kwalipikadong indibidwal sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.   Nagkakahalaga aniya ito ng P1,000 kada kuwalipikadong […]

  • YORME ISKO, TUMANGGING PAG-USAPAN ANG PULITIKA

    TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.       Ito ay matapos siyang hingan ng komento hinggil pagsama sa kanya sa listahan sa mga posibleng kandidato para sa 2012 election ng bagong tatag na electoral […]

  • Sec. Roque, tumanggi na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Cong. Mike Defensor

    TUMANGGI si Presidential Spokesperson Harry Roque na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City na isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection.   Ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19, ay hindi pa aprubado […]