Sec. Roque, hindi pa masabi kung extended o hindi ang ECQ sa NCR
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI pa masabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung dapat ba o hindi na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na magtataposa Agosto 20, 2021.
Ang katwiran ni Sec. Roque, may ilang araw pa naman bago makita ang datos na pagbabasehan kung quarantine status sa NCR.
“Ang ating objective ay iyong sinasabi nating total health. Bawasan iyong kaso pero hindi naman po pupuwedeng dadami iyong hanay ng mga magugutom,” ayon kay Sec.Roque.
“So, tingnan natin ang datos mayroon pa tayong mga araw noh? At sa tingin ko naman, alam na nating lahat ito po iyong parang third na pagtaas na ng mga kaso noh? Alam po natin na it takes about two weeks bago po magkaroon ng epekto iyong ating ECQ. at maski dumating po ang a-bente eh hindi pa po natin makikita iyong pagbaba noh? yan po ang ating naging karanasan sa dalawang pagkakataon na tumaas ang kaso natin at nag-ecq rin po tayo,” aniya pa rin.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring rekomendasyon ang Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung palalawigin o hindi ang ECQ sa NCR.
“Wala pa pong rekomendasyon at nilinaw po ni Mayor Olivarez na bagama’t nagkaroon ng ulat sa isang pahayagan na ‘di umano ay nag-meeting na ang mga mayor, wala pa pong ganiyang pagpupulong na nangyayari.” anito. (Daris Jose)
-
Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo
SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17. Para kay Mao Ning, spokesperson […]
-
General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan
Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA. “Affected motorists should take a turn at […]
-
Lolo todas sa motorsiklo sa Malabon
NASAWI ang 71-anyos na lolo matapos mabangga ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Rolando Cua ng No. 28 Tuazon St. Brgy.Bangculasi, Navotas City. […]