Sec. Roque, ipagbibigay-alam sa DBM ang paubos na passport revolving fund
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
IPAGBIBIGAY-ALAM ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Budget Secretary Wendel Avisado ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang passport revolving fund ng bansa ay paubos na.
“I will bring this matter up also to [Budget] Secretary [Wendel] Avisado,” ayon kay Sec. Roque.
Gayunpaman, tiwala naman si Sec. Roque kay Locsin na makahahanap ito ng pondo.
Sa Twitter post kasi ni Locsin, Miyerkules ng gabi ay sinabi nito na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makahanap ng pera para i- replenish o punan o dagdagan ang pondo lalo pa’t ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay mayroong utang na P388 million sa passport printing contractor APO Production Unit, Inc, isang state-run firm.
Napag-alaman ng Kalihm na ang pondo ay ‘kinain” ng travel allowances, insurance at miscellany.”
Ang passport revolving fund ay mula sa bayad na kinolekta para sa processing at issuance ng passports “requiring special consideration, waiver, or issuance beyond regular office hours.”
Samantala, ayon naman sa Philippine Passport Act of 1996 (Republic Act 8239), ang pondo ay maaaring gamitin ng DFA para sa pagsasaayos ng “passporting at consular services” maliban na lamang para sa pagbabayad ng travel at transportation allowances.
-
Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr
PLANO ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway. Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa. Ayon kay […]
-
Justin Timberlake, nag-apologize kina Britney Spears at Janet Jackson
NAG–ISSUE ng public apology ang pop star na si Justin Timberlake sa former girlfriend na si Britney Spears at sa singer na si Janet Jackson. Ayon kay Justin, he had failed them in the past. Nakatanggap ng bashing si Timberlake on social media dahil sa interview niya 20 years ago tungkol […]
-
Duterte siblings pinasasagot ng SC sa ‘habeas corpus’
INATASAN ng Korte Suprema ang mga anak ni dating Pang. Rodrigo Duterte na maghain ng tugon hinggil sa komentong isinumite ng mga opisyal ng pamahalaan sa kanilang consolidated habeas corpus petitions na humihiling na mapalaya ang kanilang ama mula sa pagkakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa asuntong crimes against humanity. Ayon kay Supreme Court (SC) […]