Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.
Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Hindi naman ho tayo nanghihimasok sa issue ng PhilHealth at ng Philippine Red Cross. Kaya nga lang po, nagsasalita po tayo sa ngalan ng ating Presidente,” ayon kay Sec. Roque.
“Importante po talaga kay Presidente Duterte ang testing dahil alam po natin na napaka- importanteng kabahagi ito ng ating istratehiya laban po sa COVID- 19—ang malawakang COVID-19 testing,” dagdag na pahauag nito.
Tinukoy din ni Sec. Roque ang kanyang adbokasiya ukol sa universal health coverage.
Si Sec. Roque ay dating mambabatas na siyang nag- isponsor ng pagpapasa ng Universal Health Care Act in Congress.
Sa ulat, binanatan ni Gordon si Sec.Roque at sinabihang huwag nang makialam sa usapin sa PhilHealth.
Ipinapanukala kasi ni Roque sa PRC na tanggapin ang donasyong test kits ng Dept. of Health, pero giit ni Gordon, hindi pwede dahil ito ay overpriced.
Gabi ng Martes, Oktubre 27, nagbayad ng P500 milyon ang PhilHealth sa PRC at nangakong babayaran ng pautay-utay ang balanse.
Madaragdagan pa ng panibagong 35 million pesos ang utang ng PhilHealth kahit nagbayad na ito ng kalahating milyong piso sa Philippine Red Cross para sa COVID-19 swab test ng mga umuuwing OFWs.
Sinabi ni Gordon na sa pagbabalik ng kanilang serbisyo, aabot sa 10,000 na sponsored OFWs ang kanilang ite-test na katumbas ng 35 million pesos. (Daris Jose)
-
Durant, Irving, Harden nagsama ng puwersa sa panalo sa playoffs debut
Mistulang nangapa muna sa first half ang Big Three ng Brooklyn Nets bagong tuluyang itumba sa second half ang Boston Celtics sa first round ng playoffs, 104-93. Ito ang siyam na beses pa lamang na nagsama sama sa iisang game sa Nets sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie Irving. Nagtapos si […]
-
Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin ng maayos; ima-maximize- PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin ng maayos ng gobyerno ang bawat resources para sa South Commuter Railway Project . “With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in […]
-
‘Kristine’ posibleng maging super typhoon
PINANGANGAMBAHANG aabot sa 30 milyong indibidwal habang 18,000 barangay ang lulubog at pagguho ng lupa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang maapektuhan ng Tropical Depression Kristine. Ito’y ayon kay Office of Civil Defense (OCD) administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno kahapon bunsod ng pangamba na maging super typhoon ang bagyong Kristine. Ayon […]