Sec. Roque, walang ideya kung mag-State Visit ang Pangulo sa ilalim ng liderato ni US President-elect Joe Biden
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung may plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bisitahin ang Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni President-elect (Joe) Biden bago matapos ang termino nito sa 2022.
“Wala po akong nalalaman ‘no at siyempre po iyan naman po ay sang-ayon din sa magiging imbitasyon nitong si President-elect (Joe) Biden. So, hayaan na po muna natin mag-settle in si President-elect Biden,” ayon kay Sec. Roque.
“Let’s cross the bridge when we get there” naman ang sagot ni Sec. Roque sa tanong na kung sakali naman at personal na hilingin ni US president-elect, Joe Biden kay Pangulong Duterte na mag-state visit ito at pumunta sa Estados Unidos.
Giit ni Sec. Roque, wala naman siyang nakikitang dahilan para tanggihan ang nasabing imbitasyon kung sakali.
“Pero uulitin ko nga po ‘no, si President-elect Biden is president- elect until January 20, ang proseso po nila iku-confirm pa ang kanyang pagkapanalo ng electoral college na tinatawag,” lahad nito.
Samantala, muling nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa pagkapanalo ni Biden.
Sinabi ni Sec. Roque na tiwala naman ang pamahalaan na dahil napakalapit ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ay patuloy na magiging mas mabuti pa ang samahan ng dalawang bansa sa ilalim po ng pamumuno ni Presidente Duterte at ni President-elect Biden. (Daris Jose)
-
Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19
NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa […]
-
Comeback film ni SHARON sa Viva, balitang ididirek ni DARRYL YAP, Sharonians mega-react
MARAMING Sharonians ang clueless about Darryl Yap, na supposed to be ay magiging director daw ni Megastar Sharon Cuneta sa isang movie to be produced by Viva. Sino po ba si Darryl Yap? Ano ba ang kanyang claim to fame? Deserve ba niya na maging director ni Ate Shawie? Eh baka […]
-
DND iba-validate ang babala ng Japan sa ‘terrorist threat’ sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas
Iba-validate ng Department of National Defense (DND) ang inilabas na babala ng Japan ukol sa umano’y bantang terorismo sa ilang bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas. Ito ang inihayag ni DND Spokesperson Arsenio Andolong kaugnay ng inilabas na travel advisory ng Japanese Foreign Ministry sa kanilang mga mamayan sa anim na bansa […]