Sec. Roque, walang narinig na binatikos mula kay Pangulong Duterte para kay Mayor Isko
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI maunawaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binabatikos ng progressive group na Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Roa Duterte gayong hindi naman pinangalanan ng Chief Executive ang Alkalde na sinasabi niyang “disorganisado” sa pagbibigay ng ayuda at pagtatakda ng bakuna sa kanyang mga nasasakupan.
Nauna nang sinabi ng militanteng grupong makabayan na malisyoso di umano ang ginawang pag-atakeng ito ng Chief Executive kay Manila Mayor Isko Moreno at may kinalaman din umano ito sa politika dahil malaki ang posibilidad na maging presidential bet daw ang Alkalde sa 2022 election.
Binigyang diin ni Sec.Roque, wala siyang narinig na binatikos ni Pangulong Duterte si Mayor Isko nang maglabas ito ng sama ng loob laban sa isang metro manila mayor na hindi naging maayos ang pangangasiwa sa lugar kung saan nangyayari ang pagbabakuna.
Sinabi pa ni Sec. Roque na wala ring lumabas sa bibig ng Pangulo na anumang pangalan ng isang alkalde.
Giit nito, kung hindi man aniya sinabi ni Pangulong Duterte kung sino ang tinutukoy nitong Alkalde ng Kalakhang Maynila, desisyon aniya ito ng Punong Ehekutibo at hayaan na lamang na manatili itong isang blind item na mula sa Pangulo. (Daris Jose)
-
RADSON, MATT at RAPHAEL, napiling gumanap na Mark, Big Bert at Little Jon sa ‘Voltes V: Legacy’
NOONG Lunes nang gabi sa 24 Oras, ni-reveal na ng GMA Network ang first 3 members ng Voltes V: Legacy. Unang pinakilala ang gaganap bilang Mark Gordon na si Radson Flores, na sumali sa reality show na Starstruck noong 2019. Hindi siya nakapasok sa Final 14 dahil sa twist na “Second Chance Challenge” nakabalik siya […]
-
1 sugatan, 20 tahanan sa sunog
SUGATAN ang isang lalaki matapos na mabagsakan ng kawad ng kuryente habang nadamay ang may 20 bahay ang nadamay sa naganap ma sunog sa isang residential house, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila. Isinugod sa pagamutan ang biktima nakilalang si Michael Floranza, 37, na nagkaroon ng sugat sa kaliwang paa matapos umanong mabagsakan ng […]
-
Pamahalaang Panlalawigan, SMC, pagtutugmain ang mga proyektong pangkaunlaran sa lalawigan
LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN- Upang talakayin ang mga kasalukuyan at panghinaharap na proyekto sa lalawigan, nakipagpulong si Gobernador Daniel R. Fernando kay San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon S. Ang noong Lunes. Kabilang sa mga paksa na inihain sa hapag ang pagiging accessible ng itinatayong New Manila International Airport […]