Seguridad sa data center ng Comelec, hinigpitan
- Published on March 18, 2025
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na mahigpit ang ipinatutupad nilang seguridad sa kanilang data center.
Binuksan ng Comelec sa media, poll watchdogs at iba pang stakeholders ang kanilang data center na matatagpuan sa Ayala Circuit Corporate One Building sa Makati City, para sa isang walkthrough.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tanging piling Information Technology (IT) personnel lamang ng komisyon ang maaaring mag-access sa data server room. Maging siya mismo ay walang authorized access doon.
Bukod dito, marami ang layers ng seguridad na ipinatutupad.
Siniguro rin naman niya na higit pa nilang hihigpitan ang security protocol sa loob at labas ng gusali habang papalapit na ang mismong araw ng halalan.
Magpapakalat aniya sila ng military at police personnel upang magbantay sa lugar.
-
QC binuksan ang mga bagong bike lanes
May mga bago at pinagandang bike lanes ang binuksan noong Linggo ang lungsod ng Quezon City sa mga pangunahing lansangan dito bilang bahagi sa pagsusulong ng active, sustainable at environment-friendly na transportasyon na laan sa mga residente at mangagawa. Inilungsad din ang proyektong ito upang maisulong ang pagbibisekleta at ng masiguro ang […]
-
BAGONG MODUS OPERANDI NG MGA RECRUITERS, NABUKING NG BI
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang ilang biktima ng human trafficking na patungo sa United Arab Emirates (UAE) na binigyan ng pekeng intinerary ng kanilang recruiters. Sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) in Manila and Pampanga kay BI Commissioner Jaime Morente , ibinunyag nila ang bagong modus operandi ng […]
-
Duque kumasa kay Pacquiao sa alegasyon ng korapsyon
Kumasa si Health Secretary Francisco Duque III sa hamon na imbestigasyon ni Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa umano’y korapsyon sa DOH. Ayon kay Duque handa siyang ipakita sa senador kung saan nila ginastos ang pondo ng ahensiya ngayong pandemic. “While we are disheartened by these baseless accusations from our government officials, […]