Sekyu kalaboso sa panghahablot ng cellphone
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang isang security guard matapos hablutin ang bag na may laman cellphone ng 18-anyos na binata sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang naarstong suspek na si Reynaldo Catada, 45, security guard at residente ng Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday na nahaharap sa kasong Robbery Snatching.
Sa imbestigayon ng pulisya, habang nakatayo malapit sa kanilang bahay sa Road 3, Lingahan St., Brgy., Malanday ang biktimang si John Lei Espenida, 18, (pwd), dakong alas-11 ng gabi nang sapilitang agawin ng suspek ang kanyang bag na may laman cellphone na nasa P7,900 ang halaga.
Tinangkang manlaban ng biktima para mabawi ang kanyang bag subalit, hindi niya kinaya ang lakas ng suspek at nauntog sa pader na naging dahilan upang magkaroon siya ng minor injury sa braso.
Matapos nito, mabilis na tumakas ang suspek dala ang bag habang nireport naman ang insidente kay PSMS Roberto Santillan at Pat Dina ng Sub-Station 6 na nagsasagawa ng Oplan Gaulagad sa lugar, kasama ang Barangay Tanod ng Malanday.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis sa pangunguna ni PSMS Santillan ay agad namang naaresto ang suspek at nabawi ang bag at cellphone ng biktima. (Richard Mesa)
-
Paghahanda sa PH delegation para sa Winter Olympics, all set na
PINAPLANTSA na lamang ang ilang pinal na paghahanda para sa paglahok ng kinatawan ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics sa buwan ng Pebrero. Kasunod ito ng pagkaka-apruba ng Philippine Sports Commission (PSC) sa P3.3 million na pondo para sa nag-iisang atleta ng bansa sa naturang aktibidad. Tanging si Filipino-American Alpine Skier […]
-
‘Hazard pay’ ng health workers ‘di pa naibibigay
Aminado ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi pa nailalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang ‘hazard pay’ ng mga health workers para sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kasalukuyang pinoproseso pa nila sa DBM ang pagpapalabas ng ‘hazard […]
-
Kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan na may kinalaman sa 4Ps: DSWD, magbubukas ng mga tanggapan sa weekends
HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng kanilang mga tanggapan sa mga araw ng Sabado at Linggo, kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan ng indibidwal at pamilya na nagnanais na maging bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang […]