Semis duel ng Cool Smashers at Flying Titans inaabangan
- Published on April 2, 2022
- by @peoplesbalita
NAKASENTRO ang atensyon ng lahat sa bakbakan ng Creamline at Choco Mucho sa pagsisimula ng semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference bukas sa The Arena sa San Juan City.
Ang Cool Smashers at Flying Titans ang dalawa sa may pinakamaraming fans sa liga kaya’t asahan na ang blockbuster venue sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifinal series.
Para kay Cool Smashers’ team captain Alyssa Valdez, magkakaibigan sila sa labas ng court subalit walang sister teams sa loob ng court.
“We belong to one family but when we get to the court, it’s all business. All the teams are very competitive, we just hope to bring out our best,” ani Valdez.
Nakatakda ring magharap ang Cignal at PetroGazz sa semifinals series.
Parehong wala pang talo ang Cignal at Creamline matapos walisin ang group stage papasok sa quarterfinals.
“It’s a different thing in the semis, pressure will be a lot more intense,” sabi ni HD Spikers’ mentor Shaq delos Santos.
-
Comelec nanawagan: Magparehistro na bago Enero 31
MULING umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na gawin ang lahat ng magagamit na paraan para makapagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito, sa isang linggong nalalabi ng voter’s registration. Ani Comelec spokesman Rex Laudiangco, ng mga kwalipikadong botante ay maari namang magpatala sa […]
-
Ads October 25, 2021
-
RABIYA MATEO, deserving maging Miss U PH kaya ipinagtatanggol ng kapwa kandidata
PINAGTANGGOL ang hinirang na Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng kapwa candidate niya na si Miss Davao City Alaiza Malinao. Umabot sa Top 16 si Malinao at to the rescue siya ni Mateo sa nag-akusa rito na siya ay nandaya. Pinost ni Malinao ang pagtatanggol niya kay Mateo sa kanyang Instagram Stories. In […]