• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. De Lima tinanggap ang pag-sorry ni Sandra Cam

INIHAYAG ng nakakulong na dating senador na si Leila de Lima na tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.

 

 

Ayon kay dating Senator de Lima, masaya siya dahil nagsisi na umano si Cam sa kanyang mga nagawa at malugod niyang tinatanggap ang paghingi ng paumanhin nito.

 

 

Aniya, bilang kanyang dating co-PDL (person deprived of liberty) sa loob ng Philippine National Police Custodial Center, naging saksi siya sa mga paghihirap ni Cam dahil sa kanyang kondisyong medikal noong siya ay nakakulong.

 

 

Sa isang pagpupulong, inihayag ni Sandra Cam na kamakailan na napawalang-sala sa kasong murder — na ginamit siya bilang isang “tool” para sa pagkulong kay De Lima.

 

 

Ayon kay Cam, tumulong siya sa pagkuha ng diumano’y ebidensya laban sa dating senador.

 

 

Kaugnay niyan, si De Lima ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Camp Crame mula noong Pebrero 2017 dahil sa mga alegasyon na siya ay nakinabang sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya ay Justice secretary.

 

 

Una na rito, hindi bababa sa dalawang testigo, ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos, ang nagbawi ng kanilang mga testimonya laban kay De Lima. (Gene Adsuara)

Other News
  • Kapuso stars, wagi sa RAWR Awards 2020!

    Winner ang ilang Kapuso stars sa RAWR Awards 2020 ng entertainment website na LionhearTV.net na ginanap nitong Sabado ng gabi.   Kinilala bilang ‘Actor of the Year’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at si Maine Mendoza naman para sa ‘Actress of the Year.’   Dahil sa epektibong pagganap ng ‘Prima Donnas’ star […]

  • Gulat na gulat si Karen sa kanyang interview: COLEEN, nai-insecure pa rin kahit isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz

    HINDI nagdamot ng kanyang oras ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para magsilbing inspirasyon sa mga bagong Sparkle artists.     Kahit napaka-busy ng schedule ni Alden na tinatapos na ang bagong primetime series, ang “Start-Up” at naghahanda rin sa pag-alis niya for the U.S. concert tour of “ForwARd” ay naglaan pa rin […]

  • DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na

    Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.     Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand.     “Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very […]