Sen. Kiko Pangilinan tatakbo bilang VP ni Leni Robredo sa 2022
- Published on October 9, 2021
- by @peoplesbalita
Opisyal nang kakandidato sa pagkabise presidente para sa susunod na taon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sa pagkakataong ito sa ilalim ng slate ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo naman sa pagkapangulo.
Sinamahan si Pangilinan ni Robredo sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagkabise sa Comelec, Biyernes, ang pinakahuling araw ng filing ng kandidatura.
Tatakbo sa ilalim ng Liberal Party si Pangilinan kahit na tatakbong independent ang running mate na si Leni.
“Tinanggap ko ang hamon, at ito ay tinanggap natin, hindi dahil sa katiyakan ng ating pagkapanalo kung hindi dahil sa katiyakan ng ating paninindigan at paniniwala,” wika ng maluha-luhang Pangilinan sa isang press briefing matapos ang COC filing kanina.
“Tinanggap ko at ipaglalaban nang buong lakas ang hamon bilang kandidato sa pagkapangalawang pangulo kaagapay ni pangulong Leni Robredo. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno at sa tulong ng mga kababayang handang tumaya, handang kumilos, handang makipagtulungan, maisasaayos na natin sa wakas ang palakad ng gobyerno sa pagharap sa pandemya [ng COVID-19].”
Sa ngayon pa lang daw na hindi pa presidente si Robredo ay nakikita na kung gaano kahusay ang kanyang pagtugon laban sa COVID-19, kagutuman atbp., bagay na mas mapapahusay pa raw kung mailuluklok bilang pinuno ng republika.
Una nang inendorso ng LP si Pangilinan, presidente ng partido, sa pagkasenador sa 2022 ngunit umatras mula rito para maging katambal ni Robredo.
Matatandaang sinabi ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat nitong Huwebes na tatakbo siya sa pagkasenador para humalili sa binitawang senatorial slot ni Pangilinan.
Sa ngayon pa lang daw na hindi pa presidente si Robredo ay nakikita na kung gaano kahusay ang kanyang pagtugon laban sa COVID-19, kagutuman atbp., bagay na mas mapapahusay pa raw kung mailuluklok bilang pinuno ng republika.
Una nang inendorso ng LP si Pangilinan, presidente ng partido, sa pagkasenador sa 2022 ngunit umatras mula rito para maging katambal ni Robredo.
Matatandaang sinabi ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat nitong Huwebes na tatakbo siya sa pagkasenador para humalili sa binitawang senatorial slot ni Pangilinan. (Daris Jose)
-
Makati City, napili bilang isa sa mga pinakaligtas na siyudad sa buong bansa
NAPILI ang lungsod ng Makati bilang isa sa pinakaligtas na siyudad sa buong bansa. Base sa TravelSafeAbroad.com, nakuha ng Makati City ang ika-anim na pwesto sa pinakaligtas na lungsod sa bansa. Isa sa mga naging pamantayan nila ang mababang crime index ng lungsod na nasa 39.55%, kasunod ng Dumaguete at Iloilo […]
-
Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon
NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik. Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika. “The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik. […]
-
Pacquiao tutulak na sa Amerika
Tutulak na pa-Amerika si eight-division world champion Manny Pacquiao sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang pukpukang ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood, California. Nakatakdang umalis si Pacquiao sa Hulyo 3 para makasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune sa training camp doon. […]