Senador Imee Marcos, target na tumakbo bilang bise-presidente sa eleksyon 2022
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na target ni Sen. Imee Marcos ang Vice Presidency sa 2022 kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kanyang running-mate.
“Si Imee, ganito ang laro n’yan, pinupuntahan niya si Mayor Duterte sa Davao, hoping na magtakbo ‘yon, siya ang maging bise,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address.
Subalit, tila tinitiyak na ng Pangulo na ang kanyang anak ay, “Hindi naman tatakbo, sabi niya.”
Si Imee, anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay naunang nagpahayag na ang kanyang kapatid na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagpahayag na isang malaking karangalan na maging ka-running mate si Mayor Sara.
“Everything’s possible but I supposed the most obvious thing is if the Dutertes have the solid South, we’re assumed to have the solid North. Parang marriage made in heaven yan,” ayon sa senadora.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Mayor Sara na kailangang maghintay ng pubiko ng hanggang Oktubre kung saan maghahain na ng kani-kanilang certificate of candidacy ang mga tatakbo sa Eleksyon 2022 kung siya nga ay tatakbo sa pagka-pangulo o hindi.
Samantala, inulit naman ng Pangulo ang hangarin niyang tumakbo bilang bise-presidente.
“Bakit? Walang oposisyon, hindi ‘man manalo ‘yang oposisyon. Sigurado ako, ‘yong Otso Diretso ulit na naman ‘yon,” aniya pa rin na ang tinutukoy ay ang opposition slate na nabigong makakuha ng Senate seat noong 2019 polls. (Daris Jose)
-
Bakbakan sa Speakership sa Kongreso: tapos na ang boksing-Sec. Roque
TAPOS na ang boksing! Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa usapin ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kaya kaagad na nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang hinggil sa bagong lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ni bagong House Speaker Lord Allan Velasco. Sinabi ni Presidential spokes- person […]
-
Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP
POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court. Ayon sa PNP, may ilan […]
-
Preparasyon sa FIBA World Cup pukpukan na
IKAKASA na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang puspusang paghahanda para sa FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon. Buo na ang grupong magpapatakbo ng torneo para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng FIBA World Cup sa Pilipinas na tatakbo mula Agosto 10 hanggang Set-yembre 25. […]