• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senador Koko Pimentel, walang bilang sa partido

NANANATILING chairman ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Kaagad na nagpalabas ng kalatas si PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag matapos na iboto ng paksyon na pinangungunahan ni Senador Manny Pacquiao si elected Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang party chair, sinasabing para palitan si Pangulong Duterte.

 

Inilarawan naman ni Matibag ang bagong development na ito na isang “comedy”, sabay sabing si Pimentel, na ang namayapang ama na i Aquilino Jr. PDP-Laban founder, ay hindi kumakatawan sa partido.

 

“It’s a comedy. Sen. Koko Pimentel has no position in the PDP Laban. He is irrelevant and he does not represent the party. His group are pretenders and are attention seekers,” ani Matibag.

 

Iginiit nito na si Pangulong DUterte pa rin ang nananatiling chairman ng ruling party.

 

“President Rodrigo Roa Duterte is the PDP Laban party chairman. He remains to be so and will continue to be so,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi naman ni PDP-Laban executive director Ron Munsayac na ang “original” PDP-Laban ay naghalal ng bagong party officials sa isang national council, Linggo ng tanghali.

 

Sa isang text message, si dating Eastern Samar governor Lutgardo Barbo ang nahalal naman bilang vice-chair.

 

Buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan, pinatalsik ng grupo ni Secretary Alfonso Cusi si Pacquiao bilang PDP-Laban president at pinalitan ito ng Department of Energy chief.

 

Nagpahayag kasi si Pacquiao na may korapsyon sa administrasyon dahilan para hamunin siya ng Pangulo na maglabas ng solidong pruweba na magpapatunay sa kanyang alegasyon.

 

Sinabi pa ng Pangulo na hindi makapaghintay si Pacquiao na pangalanan bilang presidential bet ng partido. (Daris Jose)

Other News
  • WHO kinumpirma ang unang kaso ng ‘human-to-animal monkeypox transmission’

    PINAYUHAN  ng World Health Organization (WHO) ang mga dinapuan ng monkeypox na iwasang ma-expose sa mga hayop.     Kasunod ito sa napaulat ng pagkakahawa ng isang aso ng madapuan ng monkeypox ang amo nito sa Paris.     Ayon kay WHO technical lead for monkeypox Rosamund Lewis na ang unang kaso ng human-to-animal transmission […]

  • Nagbabala na ‘wag magpa-picture sa naka-costumes: YSABEL, nabudol sa Amerika ng ilang street performers

    NASA Los Angeles, California kasi si Ysabel para sa Manila International Film Festival.     At sa recent post in Ysabel sa kanyang Tiktok account ay inilahad niya ang pambibiktima sa kanya ng ilang street performers na naka-costume.     “Alam niyo ba, first day pa lang namin sa LA, nabudol na kaagad ako. ‘Yung […]

  • ALERT LEVEL SA NCR PUWEDENG BUMABA PA

    POSIBLENG mapababa pa ang Alert Level sa National Capital Region (NCR) kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso, ayon sa Department of Health.   Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na  ang seven-day moving average sa NCR ay 1,156.   Ang average na mas mababa sa 500 tulad ng mga buwan bago […]