• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senate hearings kaugnay sa Maharlika Fund bill, sisimulan na sa Pebrero

MAAARING simulan na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ang deliberasyon ng Senado kaugnay sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

 

 

Ginawa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pahayag habang hinihintay ng Senado ang pinal na bersyon ng House of Representatives.

 

 

Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Zubiri na ang lahat ng mga panukalang batas na ipinasa ng Mababang Kapulungan ay maaari lamang ilipat o i-refer sa Senado sa Enero 23, 2023.

 

 

Pagkatapos nito, sinabi ng pinuno ng Senado na ang panukalang batas na inaprubahan ng Kamara ay dadaan sa unang pagbasa pagkatapos ay ire-refer ito sa hindi bababa sa apat na komite, partikular na ang committee on banks, financial institutions, at ang mga currencies, na siyang magiging lead panel, at ang mga komite sa mga korporasyon ng pamahalaan at mga pampublikong negosyo; ways and means; at pananalapi bilang pangalawang komite.

 

 

Binigyang-diin din ni Zubiri na ang bilis ng pagpasa ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill ay depende sa kung paano papatol si Villar sa mga deliberasyon sa panukala.

 

 

Nauna nang sinabi ni Zubiri kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sasailalim sa mahigpit na talakayan sa itaas na kamara ang panukalang batas ng Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Noong Huwebes, ipinasa ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang Maharlika Investment Fund (MIF)bill. (Daris Jose)

Other News
  • Teves Jr, tanggaling miyembro ng Kamara

    PINATATALSIK ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni da­ting Negros Oriental Governor Roel Degamo, si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr.     Ayon sa alkalde, may isinumite na silang apela sa Kongreso upang tanggaling mi­yembro ng Kamara si Teves.     “Meron pa po ka­ming ibang sinusulong sa Kongreso. Sana suportahan din […]

  • NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE

    PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales.     Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod […]

  • Hindi lahat ng pulis ay bugok gaya ni Nuezca – Malakanyang

    Hindi lahat ng pulis ay bugok kagaya ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng brutal na pagbaril in point blank ni Nuezca sa walang kalaban- laban na mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna […]