Senator-elect Francis Escudero, ikinokonsidera ang Senate presidency bid – Tulfo
- Published on May 20, 2022
- by @peoplesbalita
IBINAHAGI ni Senator-elect Raffy Tulfo na ikinokonsidera umano ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang Senate presidency.
Ayon kay Tulfo, tinawagan niya si Escudero para tanungin kung may balak itong tumakbo para sa mataas na posisyon sa Senado. Aniya, pinag-iisipan pa ni Senator Escudero hinggil sa naturang usapin.
Isiniwalat din ni Tulfo na nakatanggap na rin siya ng tawag mula sa ibang mga senator na nagsabi sa kaniya ng kanilang mga programa sakaling sila ang mahalal na Senate president subalit wala naman aniyang nagkumbinsi sa kaniya na suportahan sila.
Ayon kay Tulfo, ilan sa mga tumawag sa kaniya ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri gayundin su Seantor Cynthia Villar at si Senator Imee marcos na napaulat na ikinokonsidera ang posisyon bilang Senate president pro tempore.
Sa ngayon wala pang desisyon si Tulfo kung sino ang kaniyang susuportahan na maging susunod na Senate president subalit kanyang ikokonsidera sa pagpili ang katangian ng senador.
-
TUMANGAY NG MOUNTAIN BIKE, ARESTADO
KINADENA na, tinangka pang nakawin ng isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ ang isang mountain bike habang nakaparada sa isang parking sa Malate, Maynila. Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Eric Bedonio, 40, may live-in partner ng 1880 Mayon St., Bulkan, Punta Sta Ana Manila dahil sa reklamo ni Maria Ninel Madlangbayan, 16, sa […]
-
Kasama ang Viva Crushes na muling magpapainit sa 10-part series … AJ, wala ng pakialam kapag ginagawan nang maiskandalong isyu
TIYAK na pagpipiyestahan na naman ang kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval (Death of a Girlfriend, Taya, Hugas) sa latest project niya, ang Vivamax Original Series na Iskandalo na mapapanood na simula sa Linggo, April 10. Isang sikat na social media personality ang role na gagampanan ni AJ na masasangkot sa […]
-
Mga tatanggi sa COVID-19 vaccine bakunahan habang natutulog
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog. Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus. “Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw […]