• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Send-off sa Olympic-bound athletes ‘di tuloy

Posibleng walang sendoff ceremony na mangyari sa Malacañang para sa mga national a­thletes na lalahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na inaasahan niyang magiging mahigpit ang Palasyo sa mga bibisita kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“I don’t want to p­reempt the President and the Malacañang pero iwas na lang sa possible transmission,” ani Ramirez. “Malamang it will be not only simple but talagang a

 

 

“Nakakatakot sa transmission lalo na at may variant. So hindi namin ina­asahan iyan (send-off ceremony),” dagdag pa ng PSC chief.

 

 

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Naging tradisyon na para kay Presidente Duterte ang magbigay ng send-off sa mga atletang sasabak sa mga international competitions kagaya ng Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games.

 

 

Kabuuang 19 atleta ang sasalang sa Tokyo Olympics sa pangunguna nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting at 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso ng golf.

 

 

Hindi pa nananalo ng gold medal ang Pilipinas mula nang sumali sa Olympics noong 1924 sa Paris.

 

 

May tsansa rin para sa medalya sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan at skateboarder Margielyn Didal.

Other News
  • ‘Pacquiao naghahanda maging independent candidate sakaling ‘di katigan ng Comelec ang kanilang faction’

    Naghahanda na umano ng options si Sen. Manny Pacquiao sakaling hindi kilalanin ng Comelec at Supreme Court ang kanilang PDP-Laban bilang isang lehitimong partido.     Inamin ni PDP-Laban executive director Ron Munsayac, sakaling kilalanin ang grupo ni Energy Secretary Cusi ng Comelec, handa raw si Pacquiao tumakbo bilang isang independent candidate.     Una […]

  • Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K

    TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito  lang Abril 6-8.     Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa […]

  • Administrasyong Marcos, target ang 1,500 Kadiwa stores sa buong bansa sa 2028 – Malakanyang

    TARGET ng administrasyong Marcos na magkaroon ng 1,500 Kadiwa stores sa buong bansa sa taong 2028. Kaya nga ang pangako ng gobyerno ay paghusayin ang food accessibility and affordability […] Aniya pa rin, ang sanib-puwersa ng DA at PHLPost ay mapakikinabangan hindi lamang ng mga consumers kundi maging ng mga manggagawa ng PHLPost at lokal […]