‘Senior citizen’ na ang Divine Diva next year: ZSA ZSA, pinaghahandaan na ang 40th anniversary concert
- Published on June 10, 2023
- by @peoplesbalita
THIS year pala ang 40th anniversary celebration ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla kaya looking forward na siya at pinaghahandaan ang bonggang concert na magaganap sa Resort World Manila.
Isa nga ito sa naibahagi ni Zsa Zsa nang makatsikahan namin noong Hunyo 7, 2023, Miyerkules, sa kanilang vacation home na Casa Esperanza, natatagpuan sa Brgy. Piis, Lucban, Quezon. Na talaga namang na-enjoy namin ng bonggang-bongga, mul
Pag-amin niya, “Medyo mahirap gawin kaya sabi ko, dapat mag-meeting na kami.
“Kasi ang daming materyales. Kailangan, encompassing — the movies, saka yung mga soaps na ginawa ko.”
Hindi nga lang sa larangan ng pagkanta at mga concerts nag-excel si Zsa Zsa, pati sa movies at teleserye, may bonus pa na paglabas niya teatro sa pamamagitan ng Larawan kasama si Celeste Legaspi.
Balita pa niya si John Prats ang napili nilang magdirek ng concert.
“Gusto ko siyang i-try. Di ba, anak-anakan ko siya sa Familia Zaragoza?
“Ganyan pa lang siya kataas noon. Five or seven years old,” muwestra pa ni Zsa Zsa.
Gaano kaya katagal ang anniversary concert niya na may working title ng ’40 Na Zsa’? At sinu-sino ang naiisip niyang maging guests?
“Kailangan two lang yan. Kasi, ang tao, hindi kaya.
“Sa guest, actually madami pero… we will see. Kasi, andami ko na ring na-guest sa mga anniversary concerts,” say pa ni Zsa Zsa.
“Titingnan namin na medyo ibang flavor. Merong young artists siyempre.”
Anyway, kasama si Zsa Zsa sa six-part series na ‘Cattleya Killer’ na pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde na nangunguna pa rin sa Top 10 in the Philippines ng streaming platform na Prime Video.
Ayaw pang sabihin ng Divine Diva na panggulat na eksena niya, na kung saan palagi rin niyang nakaka-eksena si Jake Cuenca.
Kuwento pa niya ang kumuha sa kanya rito ay si Direk Ruel S. Bayani, dahil alam na babagay sa kanya ang role. Si Direk RSB rin ang kumuha sa kanya noon para gumanap na Red Dragon sa seryeng ‘Wildflower’ at sa international series na ‘Almost Paradise’, na kung saan nag-audition siya.
Kasama rin pala siya sa bagong all-star cast ng seryeng ‘Call My Manager!’ ni Direk Erik Matti.
Aminado naman si Zsa Zsa na kailangan na niyang mamili ng projects.
“Kasi ahhmm nahihirapan na ako nung ano, e. Parang sa edad ko, sabi ko, parang kailangan ba, yung lock-in?
“Although nagawa ko siya sa Love Thy Woman with Kim [Chiu] and Xian [Lim]. Kasi, di ba, biglang nag-pandemic.
“Tapos supposedly, sinasama din ako dapat dun sa Iron Heart. Kaso yung schedule ko, hindi kami nagkasundo.”
Malamang isa sa rason na hindi niya tinanggap ang action series ni Richard Gutierrez ay sa Cebu pa sila nagti-taping. Mahirap nga naman na mag-work sa malayong lugar, kaya happy na siya sa ‘ASAP Natin ‘To’.
Isa pa malapit na palang maging senior citizen si Ms. Zsa Zsa, na hindi naman halata sa hitsura niya, na parang kapatid lang ni Karylle.
“One year na lang! Diyos ko, ‘Day!” natatawang pag-amin pa niya.
Pero kahit hindi pa siya “dual citizenship” ay meron na raw siyang discount card, na nagagamit niya lalo sa pagbili ng mga gamot.
“For PWDs. Scoliosis!” say pa niya, na nakuha lang niya this year dahil hindi niya alam na puwede pala.
Sinabi lang ito ng kanyang cousin na si Amy Perez na meron ding katulad na sakit. Kaya malaki ang natitipid niya sa pagbili ng maintenance medicines.
“Sana, maintain na lang. Huwag magdagdag! Pag nagdadagdag ng gamot, nai-stress ako.”
Naitanong kung ganun pa rin ba kaganda ng boses niya o may pagbabago na?
“Ang hirap din! Kasi siyempre, napapagod. Napapagod. Yung range siyempre bumababa, lalo na sa babae talaga, bumababa,” pag-amin ni Zsa Zsa.
“Actually, nag-start akong bumaba yung range ko in my 50s. Basta nag-menopause ang babae, ganyan. Some. Most.
“Napansin ko, sa nag-o-opera, hindi masyado. Pero pag pop, bumababa.
Dagdag pa niya, “But it’s natural. Kasi, pati yung fans, followings mo, kailangan nagde-develop ka as a person.
“Maiintindihan nila na pati yung style mo, nagbabago. Oo, hmmn, so ganun lang talaga.”
Pero sa true lang, kahit magbago pa ang boses ng Divine Diva, mananatili ang distinct voice na minahal ng mga fans hindi lang dito, pati na sa ibang bansa.
For sure, ngayon pa lang ay pag-iipunan na nila ang kanyang 40th anniversary concert, na siguradong maging matagumpay at pag-uusapan bago matapos ang 2023.
(ROHN ROMULO)
-
Labor group, umapela ng P470 na dagdag sa minimum wage sa NCR
UMAPELA ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 na dagdag sa minimum wage kada araw sa National Capital Region. Kaugnay nito naghain ang labor group ng petisyon para sa pagtataas ng sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWRB)-NCR office sa Maynila. Inihayag ng grupo ang ilang kadahilanan […]
-
PWAI kinalampag ang POC
MALAKAS na kinalampag ng isang nagmamalasakit sa weightlifting at opisyal din ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang Philippine Olympic Committee executive board , si POC president Abraham Tolentino, at si POC Membership Committee chairman Bones Floro. Pinapanawagan ni elected PWAI director at appointed treasurer Felix Tiukinhoy sa POC na saklolohan silang makapag-eleksiyon ng […]
-
Malaking challenge pero maayos namang naitawid: PIOLO, muntik nang ‘di tanggapin ang ‘Mallari’ dahil sa tatlong characters
AMINADO Piolo Pascual na bida ng ‘Mallari’, ang kauna-unahang Filipino film na idi-distribute ng Warner Bros. Pictures, na malaking challenge talaga sa kanya ang gumanap ng tatlong characters na sina Severino, John Rey at Jonathan sa tatlong magkakaibang panahon. Isa nga ito sa natanong sa ultimate heartthrob sa ginanap na biggest mediacon at […]