• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senior citizens, hirit ibaba sa 56-anyos sa halip na 60

PARA mas maaga at mahabang panahon na mapakinabangan ang mga benepisyo, nais ni Sen. Bong Revilla na ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa halip na 60 taong gulang.
Sa Senate Bill 1573 ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo.
Sa sandaling maisabatas, lahat ng residenteng Pinoy na nasa 56-anyos ay ikokonsidera ng senior citizen at maaari nang makinabang sa umiiral na benepisyo.
Paliwanag pa ni Revilla, dapat lang na ibaba ang edad para maging senior citizen ang mga nakakatandang kababayan lalo na ngayong nagkapandemya at madami ang hindi pinalad na umabot sa edad na 60.
Sa datos ng Department of Health (DOH) noong Disyembre 2022, 7.33% ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay pawang mga senior citizen na humantong sa kamatayan kumpara sa 0.76% na ang edad ay 18 anyos hanggang 59-anyos.
Para naman matiyak na ang mga matatanda ay mabibigyan ng nararapat na benepisyo kaya inihain rin ni Revilla ang Senate Bill 1558 na naglalayong obligahin ang mga establisimyento, venue halls at recreational centers na dapat may nakahandang upuan at lamesa para sa mga senior citizens. (Daris Jose)
Other News
  • May book signing and tour sa ibang bansa: PIA, pinasilip na ang magiging book cover ng upcoming novel

    PINASILIP ni Pia Wurtzbach ang magiging book cover ng kanyang upcoming novel na may titulong ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.’     Sa kanyang Instagram account, nag-share si Miss Universe 2015 ng photos na hawak niya ang kanyang libro na may pink cover at white silhouette ng isang babae.     […]

  • Patay sa COVID-19 sa China, nasa 2,764 na

    MAHIGIT 50 pa ang nadagdag na patay sa nakalipas na magdamag mula sa China, habang may mga nasawi rin sa Italy at Iran dahil sa coronavirus disease (COVID-19).   Dahil dito, umabot na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.   Nasa 80,996 naman ang mga nagpositibo sa virus mula […]

  • Harden at Rockets hindi umubra kina LeBron, Davis

    Inilampaso ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma City Thunder, 120-102.   Ito na ang ikalawang panalo ng defending champion mula sa 11 laro ngayong season.   Ito rin ang ikaanim na panalo sa huling pitong mga laro.   Nagpakitang gilas naman si Anthony Davis sa muling pagbabalik na may 27 points habang si LeBron James […]