Senior Citizens party-list top 3 sa Dec. survey – SWS
- Published on January 6, 2025
- by Peoples Balita
PUMANGATLO ang Senior Citizens party-list na nakakuha ng 4.62% sa isinagawang Voter Preference for Party-list survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Disyembre 12-18.
Una ang 4Ps Party-list na may 13.51% at sumunod ang ACT-CIS na may 5.63%.
Mauupo ang tatlong nominado ng 4Ps at dalawa naman sa mga nominado ng ACT-CIS at Senior Citizens kung isasagawa ang halalan ngayon.
Ang lima pang party-list groups na nakakuha ng higit dalawang porsiyento ay ang Duterte Youth, Ako Bicol, Tingog, TGP at Uswag Ilonggo.
Base sa batas na gumagabay sa party-list groups, ang makakakuha ng dalawang porsyento sa kabuuang bilang ng boto ay garantisadong uupo ang kanilang unang nominado bilang miyembro ng Kamara.
Sinabi ni Senior Citizens Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na pagpapakita lamang ito na maraming botante ngayon ang pinipili ang party-list groups na isinusulong ang kapakanan ng mga mahihirap, senior citizen at walang trabaho.
“Nais ng ating mga kababayan na magkaroon ng tunay na boses sa Kongreso ang sektor ng lipunan na hindi masyadong nabibigyan ng pansin,” dagdag pa ng mambabatas.
Ngayong taon, ibibigay na ang P10,000 cash gift sa mga edad 80, 85, 90 at 95 na kabilang sa mga isinulong na panukalang batas ni Ordanes noong nakaraang taon.
-
SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020
TULUYAN nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020. Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner. Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa […]
-
P66.2M cash benefit para sa centenarians, walang pondo sa ilalim ng 2023 proposed budget — Tulfo
WALANG pondo na mahuhugot para sa P66.2 million budget para sa cash benefit ng 662 milyong Filipinong centenarians sa ilalim ng panukalang 2023 national budget. Sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa isinagawang House appropriations panel hearing ukol sa panukalang P194 billion budget ng DSWD para sa 2023, […]
-
Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30
PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians. “But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate […]