Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.
Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.
“Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes, ayon sa ulat ng GMA News.
Bago ginawa ni Roque ang anunsyo kanina, tanging edad 18-65 lang ang pwedeng lumabas-labas ng bahay kung walang essential travels, lalo na’t mataas ang risk ng mga nakatatanda sa mga mas malalalalang komplikasyon at pagkamatay dahil sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum, sa ika-16 ng Hunyo pa ito tuluyang papayagan ng gobyerno alinsunod sa pag-uusap ng IATF. (Daris Jose)
-
Kylian Mbappe hindi na isinama sa Nations League double-header match
Ipinaliwanag ni France fooball manager Didier Deschamps ang hindi nila pagsama kay Kylian Mbappe para sa Nations League double-header match. Sinabi nito na kaniyang nakausap ang Real Madrid forward na hindi na sumama sa mga laban nila sa Israel at sa Italy. Dagdag pa nito na kagagaling lamang kasi ng 25-anyos […]
-
DOTr: Completion ng Edsa Busway malapit na
Dumating na ang karagdagang concrete barriers upang gagamitin sa EDSA Busway na ilalagay sa dedicated na lane para sa mga buses. Simula noong July 18 ay nagsimula ng magdatingan ang mga concrete barriers na ilalagay sa inner lane ng EDSA upang mas maging mabilis ang travel time ng mga commuters. “The continuous development […]
-
Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero
Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal […]